Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

All About Love concert ni Jed, laan para sa MATA Foundation

INIHAHANDOG ng Ang Mata’y Alagaan Foundation, Inc. (MATA Foundation) ang Valentine concert na nagtatampok kay Jed Madela, ang All About Love sa Pebrero 14, 7:30 p.m. sa Kia Theater, Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Layunin ng konsiyerto na makalikom ng pondo para sa mga benepisyaryo ng Mata Foundation.

Kilala sa mga taguring The Voice at The Singer’s Singer, inaasahang muling pupukawin ng multi-awarded na mang-aawit na si Jed ang damdamin ng mga manonood sa kahulugan ng pag-ibig at bibigyan sila ng pagkakataong muling umibig sa pamamagitan ng kanyang mga awitin.

Noong 2005, tinalo ni Jed ang mga mang-aawit mula sa 52 bansa para tanghaling unang Asyano na nagwagi sa World Championships of the Performing Arts (WCOPA) sa Hollywood, California, USA. Dahil dito, napili si Jed bilang five-time Male Recording Artist of the Year ng Philippine Movie Press Club Star Awards for Music, gayundin bilang Entertainer of the Year noong 2014.

Kasama rin sa concert ni Jed si Sarah Faye Bacal, isang may-ipinangangakong soprano-coloratura na dating bahagi ng High School Musical Philippines. Siya ay nagtapos ng titulo sa Voice Performance (Opera) mula sa Palm Beach Atlantic University sa Florida, USA  na pinagkalooban ng full scholarship sa kanyang pag-aaral. Naging singing champion siya noong nag-aaral sa elementarya at nakasama na rin sa iba’t ibang pagtatanghal sa loob at labas ng bansa.

Mabibili ang tiket sa Ticketnet Online (www.ticketnet.com.ph) at sa Ticketnet outlets sa SM Customer Service Department Stores, o tumawag sa 911-5555 for reservations. Ang ticket prices ay—VIP Center: P3,500; VIP Right and Left: P3,000; Orchestra Center: P2,500; Orchestra Right and Left: P2,000; Louge Center, Right, and Left: P1,700; Balcony Center, Right, and Left, P1,100. Para sa mga karagdagang detalye, tumawag sa 09159391655.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …