NAGLALAYONG makapaghatid ng “strong message” sa car smugglers, nakatakdang wasakin ng Bureau of Customs ang 30 luxury vehicles ngayong Martes.
Ang estratehiyang ito ay malayo sa dating proseso na isinasailalim ang smuggled vehicles sa subasta para makaipon ng karagdagang kita para sa gobyerno.
“The result will be much better for the government than the revenue na mawawala kasi kung hindi maging strong ang message riyan… they will continue doing such at mas marami ang revenue na mawawala sa gobyerno,” pahayag ni Customs Commissioner Isidro Lapeña nitong Lunes.
Ang nakatakdang pagwasak sa smuggled cars ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Inaasahang sasaksihan ng punong ehekutibo ang nasabing pagwasak sa smuggled cars, kasabay ng ika-116 anibersaryo ng ahensiya.
“We have a total of 30 nationwide. There will be 20 here (Manila) and there will be 3 in Cebu and 7 in Davao. Simultaneous ‘yan,” ayon kay Lapeña.