GOOD pm Sir Jerry, makisuyo lang po sana, upang maipatid sa publiko na marami pa rin po tayong kababayan na may busilak na kalooban katulad ng mga personnel ng Chowking UN Orosa Branch na pinangungunahan ni Manager JOMAR EUGENIO. Hindi inaasahang malimutan po naming mag-asawa ang bag na naglalaman ng pambili namin ng motorsiklo at pambayad sa matrikula ng aming anak na nagkakahalaga ng P200k kasama pa po ang loan sa aking sahod bilang isang Pulis-Maynila. Kumain po kami sa nasabing kainan at sa pagmamadali ay nalimutan namin ang clutch bag na naglalaman ng aming pera. Naalala lang po namin na nawawala ang bag nang dumating na po kami sa bahay at inisip pa namin kung saan po namin naiwanan hanggang mapagtanto po namin na posibleng naiwanan po namin sa nasabing kainan sir Jerry. Ang nakatutuwa po ay pagpasok ulit namin sa Chowking UN Orosa Sir ay sinalubong na po agad kami ng mga staff at sinabing: “Sir, itinago po namin ito at hinihintay po namin ang pagbalik ninyo.”
Nakita rin nila ang laman ng bag sir at walang labis walang kulang sir Jerry. Sinubukan ko pong suklian ng kaunting pakonsuwelo ang lahat ng crew ng Chowking sa lugar na ‘yun dahil sa pagiging tapat nila sa kapwa subalit ayaw po nila tanggapin. Kaya’t naisipan po namin ibahagi sa inyo Sir upang malaman ng lahat ang kabutihang loob ng mga crew sa naturang branch sir Jerry. Upang makabawi man lang po sa good deeds nila at malaman din ng taong bayan sa nagawa nilang kabutihan.
Diyos na po ang bahalang biyayaan sila.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap