Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

KTV bars sa Remington Hotel sa Newport, front nga ba ng prostitusyon?

HINDI nagiging maganda ang imahen ng Resorts World Manila dahil sa KTV bars/clubs na matatagpuan sa Remington Hotel.

‘Yan ay ayon mismo sa mga clientele na nakakikitang may kakaibang transaksiyon na nagaganap sa La Maison sa 2nd floor ng Remington Hotel at sa Madame Wong’s KTV bar sa 3rd floor ng nasabing hotel.

Ayon sa ating source hindi bababa sa 12k ang bar fine sa dalawang KTV bar para sa mga bebot kung gusto nilang magbaon ng ‘kakaibang putahe’ kapag naka-check-in sa Remington.

Akala natin ay world class ang ipino-project na image ng Resorts World Manila?

‘E bakit hinahayaan nilang mayroong mga ganyang transaksiyones sa kanilang hotel?!

Hindi ba nakababastos ‘yun sa ibang guests ng hotel lalo na kung pami-pamilya at mayroong mga kasamang mga batang anak?

Aba, daig pa ngayon ng Sogo Hotel ang Remington kung ganyang hindi sila naghihigpit para sa magandang imahen ng kanilang hotel.

Buti pa ang Sogo ay mayroong mga yunit at area na pampamilya, kaya nga maraming tumatangkilik sa kanila nga­yon.

Kunsabagay, hindi lang naman sa Remington namamayagpag ang prostitusyon.

Ang Tycoon KTV Club sa Aseana City ay tambayan naman ng mga prostitute mula sa China.

Nagpapanggap silang mga customer ng Club pero sa totoo lang, sila ang pang-c’mon ng ng nasabing KTV club.

Totoo bang tambayan na rin ito ng mga sinasabing NBI agents at Immigration officers na nagbibigay ng proteksiyon sa nasabing KTV club?!

How about La Maison and Madame Wong’s, protek-todo na rin ba ng ilang tiwaling NBI agents at immigration staff?!

Naku, Secretary Vitaliano Aguirre, mukhang nalulusutan kayo ng mga bata ninyo!

NBI Director Dante Gierran and Immigration Commissioner Bong Morente, baka maunahan pa kayo ni Secretary Vit na mabusisi ‘yang mga ‘protektor’ ng mga bigtime na bar diyan sa Newport at sa Aseana.

Paki-aksiyonan po!

LTO AT LTFRB
DAPAT LANG
NA PAGSANIBIN

DAHIL sa dami ng kapalpakan, baka mas mabuti ngang buwagin na lang ang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at bumuo ng isang sentrong ahensiya.

Supposedly, ang dalawang ahensiya ay dapat na nakatutulong sa pagsasaayos ng mga problema sa sistema ng transporatasyon sa ating bansa.

Pero sa mga nagdaang panahon, lumalabas na ang dalawang nasabing ahensiya ay ‘pasanin’ na ng sambayanan at pinagmumulan ng iba’t ibang problema at backlog na hindi na nakatutulong sa national government.

Ilang taon na ba ang nakalilipas pero hindi pa rin nakapag-iisyu ng lisensiya ang LTO at plaka habang ang LTFRB naman ay walang ginawa kundi ang gumawa nang gumawa ng kuwarta para sa bulsa ng mga opisyal nilang gahaman gaya ng isang Bossing Tsuk-Tsak diyan?!

Hanggang sa kasalukuyan hindi pa naibibi­gay ng LTO ang mahigit sa 300,000 lisensiya sa buwan ng Pebrero at halos pitong milyong plaka.

Nakatuon din sila sa Oplan Tanggal Bulok, Tanggal Usok campaign, para matanggal na umano ang mga bulok na sasakyan sa kalsada.

Pero hanggang ngayon, wala pa ring malinaw na plano ang LTO at LTFRB para makatulong sa paglutas ng talamak na problema sa trapiko sa bansa na halos P6 bilyon kada araw ang malulugi sa ekonomiya kapag hindi naresolba hanggang 2030.

Kaya para kay Speaker Pantaleon Alvarez dapat nang buwagin ang dalawang ahensiya at itatag na lang ang central Land Transportation Authority sa ilalaim ng House Bill 6776.

Pinagre-resign na rin niya si LTO chief Edgar Galvante kapag hindi pa naipamahagi ang license plate hanggang sa Disyembre.

‘Yung LTFRB official kaya na manyakol, Major Major na suwapang sa kuwarta para sa bossing niyang si Tsuk-Tsak; at isang nagpapatayo ng building sa Leyte hindi ba sila uutusan ni Speaker Alvarez na mag-resign?!

O baka naman mas maiging patalsikin na sila?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *