GMA-7 actress Katrina Halili expressed her gratitude to the late film and TV director Maryo J. delos Reyes for guiding her all throughout her showbiz career.
Isang heart-felt message ang nai-share ni Katrina Halili sa kanyang Instagram account last January 28, dedicated to the famous film and TV director na si Maryo J. delos Reyes.
Katrina Halili uploaded some pictures of her and the late Maryo J. delos Reyes in obvious remembrance of her fondest memories with the famous film and TV director.
Her message, “Direk Maryo thank you sa lahat, 2008 tayo nagkasama at nagkakilala, simula noon minahal ko na po kayo.
“Sobrang sweet n’yo po sa akin, tuwing umaalis ka may pasalubong ka sa ‘kin, kinikilig po ako at sobrang natutuwa, kaya tuwing break tumatambay ako sa tent mo, nagkukwentohan, nagtatawanan.
“Halos taon-taon kasama ko po kayo sa show, 2008-2014 kayo po ang unang tumatawag sa ‘kin para sabihin na tanggapin ko, na sobra po akong natutuwa, makuha ko man ‘yung project o hindi.
“Basta Alam kong gusto n’yo po akong makasama, sobrang blessed ko na po.”
Maituturing na isa sa pinakapaboritong direktor ni Katrina si Direk Maryo.
Kabilang sa mga Kapuso drama serye na nakatrabaho niya ang pumanaw na direktor ang Niño (2014), Magkano ba ang Pag-ibig? (2013), Munting Heredera (2011), Rosalinda (2009), Obra (2008), at Magdusa Ka (2008).
“Napakasuwerto ko na makasama ko kayo sa trabaho, at makilala nang personal,” Katrina further intimated. “Marami pong Salamat sa guidance, Hindi lang sa trabaho pati sa personal na buhay, sa sobrang pagmamahal ko po sa inyo, kahit saan mo ako ayain, sumasama ako.
“Mami-miss kita direk at tuwing umiinom tayo, sobra akong nalalasing sa sarap ng kuwentohan natin, tapos lagi tayong natatapos nang umiiyak, dahil sinasabi natin kung gaano natin kamahal ang isa’t isa, lagi akong naiiyak dahil sobra ang tiwala mo sa ‘kin.
“Isa ka sa mga angel ko direk, salamat po???? mami-miss po kita, mahal na mahal po kita direk..???????????? #ripdirekmaryoj.”
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.