Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Doc Ramos, papasukin ang pagpo-prodyus

INSPIRATIONAL ang life story ni Doctor Ramon Ramos. Puwede siya sa Magpakailanman o MMK. Gusto niya ay si Alden Richards ang gumanap ng buhay niya ‘pag na-feature ito dahil pareho silang Tisoy.

Ang story niya ay magsisilbing gabay ng mga adopted child na hindi dapat magrebelde.

Posibleng mag-prodyus ng pelikula si Doc.  Ramos pero baka bumakas na lang siya sa lehitimong production dahil hindi niya linya ang business na ito.

Madrama ang buhay niya dahil ipinaampon siya dalawang araw pa lamang pagkapanganak ng kanyang ina. Pero ngayon ay matagumpay siyang doctor at isa sa may-ari ng Imus Institute of Science and Technology sa Cavite.

Kamakailan ay tumanggap siya ng award sa Diamond Golden Award bilang medical consultant ng charity activities ni movie produ Baby Go. Nakasabay niya sina Ana Capri na tumanggap ng karangalan sa acting at si Aiza Seguerra sa larangan naman ng pagkanta. Binigyan din siya ng Roma ng parangal dahil for 15 years ay sponsors siya ng orphanage sa Jesus Good Shepherd.

“Ang kailangan lamang ay don’t have self-pity, you have to struggle, otherwise nothing will happen to you. Huwag isipin ang past, you go… think of your future and how to help other people and that’s it. When helping other people, the people you help will help other people also. So, it’s a win-win solution.

“So, life must go on, huwag mong titingnan ang past mo, go for your future. That’s the way it is,” deklara niya.

Kaya naman, masaya siya ngayon na tumutulong sa medical mission.Gusto niyang i-share sa tao ang kaya niyang itulong dahil hindi ito ipinagkait sa kanya ng mga nag-ampon sa kanya.

“Nagiging Medical Consultant ako sa mga charity activity sa mga diffrent barangays in Metro Manila. So, everytime na may mga outreach program sa mga less privilege barangays, nandoon po tayo kasama ang mga doctor na kinukuha rin sa diferrent hospitals dito sa Metro Manila,” deklara niya.

Saludo kami kay Doctor Ramon Ramos.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …