Friday , November 15 2024

Actor Robin Padilla hilaw na makabayan

SA kabila ng kanyang “bad boy” image ay na­pahanga rin tayo ng aktor na si Robin Padilla sa maraming pagkakataon.

May mga taglay na kahanga-hangang katangian si Robin sa totoong buhay bilang isang mabuting nilalang na wala sa hanay ng mga tulad niyang nasa lara­ngan ng showbiz.

Ilan sa magagandang kaugalian na ating hinangaan kay Robin ang pagiging matulungin, maayos na pakikitungo sa kapwa at kababaang-loob na kanyang naipamalas sa mga nakaraang pagkakataon.

Kaya naman ang maling paniwala ng marami na magkapareho lang ang kanyang ugali sa pelikula na walang ipinagkaiba sa totoong buhay ay nabago at napalitan ng paghanga.

Pero sa kanyang pagkakaintindi sa klase ng isang tunay na makabayan na nagmamahal sa sariling wika ay ikinalulungkot kong hindi tayo bilib kay Robin.

Maraming netizens ang hindi komporme sa inasal ng idolo nating si Robin, isa sa mga judge ng isang talent search sa telebisyon na nilahukan ng isang dayuhang Koreano, kamakailan.

Ayon kay Robin, kinastigo niya ang paglahok ng Koreano sa “Pilipinas Got Talent” na imbes wikang English ay Tagalog dapat ang ginamit.

Inamin naman ng Koreano na kahit sampung taon nang namamalagi sa bansa ay hindi siya marunong ng Tagalog dahil hindi itinuturo sa pinasukang International school ang ating wika.

Hindi ko lang maintidihan ay kung bakit dapat kagalitan at ipahiya ang sinomang dayuhan na hindi marunong magsalita ng Tagalog?

Hindi ba kung may dapat kagalitan at ipahiya si Robin ay mga nasa likod ng kanilang programa na pinayagang lahukan ng isang dayuhan?

Isa pa na dapat kastigohin ni Robin ay mga opisyal sa pamahalaan na hindi gumagamit ng ating sariling wika, lalo ang mga mambabatas na sinasadyang English ang ginagamit sa panloloko para hindi maintindihan.

Sa mga Pinoy at hindi sa mga dayuhan ipina­tutungkol ni Gat Jose Rizal ang kanyang winika na: “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa malansang isda.”

Higit sa lahat ay sa gawa maipakikita ang pagiging tunay na makabayan at makabansa, hindi sa salita.

Kahit magsama-sama pa ang kanyang mga taga-hanga at magsabing tama siya, si Robin pa rin ang may desisyon para muling patunayan na marunong siyang tumanggap ng pagkakamali.

At kahit sinong Herodes pa ang magtanggol sa mali ay hindi mababago ang katotohanan na ang mali ay mali at ang tama ay tama.

Para makahakot siya ng simpatiya mula sa publiko na makakakampi, buong katapangang si­nabi ni Robin na handa raw siyang mamatay para sa bayan.

Aba’y, ‘di ba mas madaling patunayan ‘yan kung pangungunahan ni Robin ang paglusob sa Scarborough Shoal na kinakamkam ng bansang China.

ALVAREZ
SINUPALPAL
NI DIGONG
SA “NO-EL”

HINDI komporme si Pang. Rodrigo “Digong” Duterte na masuspende ang 2019 midterm elections sa nilulutong sabwatan ng Kamara at Senado na nagsusulong sa Charter change (Cha-cha).

Tutol din si Pres. Digong sa agenda ni House Speaker Pantaleon Alvarez, Jr. na “no-election” scenario na magpapahaba sa termino ng mga nakaupong elected officials hanggang 2022.

Kaya dapat nang tuldukan ng mga gahaman at sakim sa kapangyarihan na tumatahol ng “no-el” at term extension para maipagsaksakan ang kanilang mga sarili sa puwesto.

Sori na lang dahil maliwanag naman ang sabi ng pangulo:

“There will be no suspension of elections and there will be no term extension especially for me.”

Makapal lang talaga ang mukha ng mambabatas na magsitahol ng “no-el” at “term extension” sa kabila na Ilang ulit nang sinabi ni Pres. Digong na sakaling maagang matapos at maaprobahan ang pagbabago sa Saligang Batas ay nakahanda siyang putulin ang kanyang termino na magtatapos sa 2022.

Ibig sabihin, bistado ni Pres. Digong na inuuto siya ni Alvarez at mga alagang aso sa Kamara na sila ang talagang may hangarin na magtagal sa puwesto.

Supalpal si Alvarez!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

 

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *