Friday , November 15 2024

“Anarchy” sa San Juan sa pagtatago ng mayor

LUMUTANG din sa wakas nitong nakaraang linggo si Mayor Guia Gomez, isang buwan matapos magpalabas ng Notice of Sufficien­cy ang Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa inihaing petisyon na humihiling sa pagpapatawag ng recall election sa lungsod ng San Juan.

Imbes sa kanyang opisyal na tanggapan sa City Hall ay sa kanyang bahay nagpatawag ng press conference ang ina ni Sen. JV Ejercito noong Huwebes at tinawag na hindi patas ang desisyon ng Comelec en banc na 4-0 ang boto para sa recall election.

Tatlong araw lang mayroon ang kampo ni Gomez o kaya naman ay makapaghain ng motion for reconsideration matapos aprobahan ng Comelec na maipadala sa pamamagitan ng Koreo ang Notice of Sufficiency.

Pero kung gaano katapang na sinabi ni Gomez noong una na nakahanda siyang harapin ang recall election ay ganoon din niya katapang sinabi na, ”I will not accept this recall election and will allow my lawyers to challenge it legally and according to the right process.”

Ang tanong lang ng marami ay bakit kinaila­ngan pang magtago ni Gomez kung nakahanda naman ang kanyang mga abogado na humarap sa legal na proseso?

Comelec ang may mandato na magdesisyon sa proseso na nasasaad sa Local Government Code – hindi si Gomez at ang kanyang kampo.

Halos mapudpod ang sapatos sa kapaparoo’t parito ng abogadong si Gregorio Bonifacio, election officer sa San Juan, dahil sa kahahanap at pag-aabang sa City Hall para personal na isilbi kay Gomez ang Notice of Sufficiency na noon pang Dec. 13 inilabas ng Comelec.

Ang isang buwan na pag-iwas ni Gomez na tanggapin ang Notice of Sufficiency ay posibleng “squid tactic” o “taktikang pusit” para mapatagal ang proseso.

Ayon sa batas, ang inisyatiba para sa recall elections ay maaari lamang isagawa eksaktong isang taon matapos mahalal ang isang local official.

At hindi na rin pinapayagan ang pagsusulong ng recall election laban sa nakaupong local official kung eksaktong isang taon na lang ang nalalabi sa kanyang termino.

Samakatuwid, sa ikalawang taon na napapagitnaan ng tatlong taon na termino pinapa­yagan sa batas na maisulong ang recall election laban sa nakaupong local official.

Ang recall election ay isang paraan na ma­patalsik ang sinoman bunsod ng “loss of confidence” o kawalan ng tiwala sa nakaupong local official, alinsunod sa batas.

Sabi ni Gomez, tatanungin daw niya ang mga mamamayan ng San Juan kung wala nang tiwala sa kanyang liderato.

Kaya nga para malaman kung may tiwala pa sila sa nakaupo o wala ay Comelec – at hindi si Gomez – ang magpapasiya sa pamamagitan ng pagtatakda ng recall election.

Aniya, ”Parang feeling ko… maybe the Comelec doesn’t know much about San Juan. That we have received these (awards). That there’s no loss of confidence,” dagdag ni Gomez.

Sa katotohanan ay natataranta na si Gomez kaya’t kung ano-ano na ang kanyang pinagsasa­sabi.

Hindi siguro niya akalain na aabot sa 30,000 ang lalagda sa inihaing petisyon na mapatalsik siya sa puwesto, higit pa sa bilang ng constituents na requirement sa batas.

Sa laki ng bilang ng mga lumagda sa petisyon ay tiyak na ramdam na ni Gomez ang nalalapit na pagbagsak ng kondesa ng San Juan.

Hindi pa ‘yan, ang pinakapinangangambahan tiyak ni Gomez ay mabulatlat at maglabasan ang mga multong itinatago ng kinabibilangan niyang angkan na matagal nang nagpapasasa sa San Juan.

Mahigit sa 1,000 ang inilamang ni Gomez kay dating vice mayor Francis Zamora na tumakbong alkalde noong 2016 elections.

Kuwestiyonableng ‘di hamak ang bilang ng boto sa naging panalo ni Gomez kay Zamora, kompara sa bilang ng mga lumagda sa recall election.

Una nang naghain si Zamora ng protesta pero iniurong ito at sa halip ay sinuportahan ang inisyatiba sa pagsusulong ng recall election sa San Juan.

Para na rin may anarkiya o walang gobyerno sa San Juan kung patuloy pahihintulutan ng Comelec ang pag-iwas ni Gomez na matanggap ang Notice of Sufficiency.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

 

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *