Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Pondo para sa dobleng suweldo ng teachers dapat pagsikapan ni DBM Sec. Ben Diokno

PAGKATAPOS ng umento sa mga sundalo, pulis at iba pang uniformed personnel, isusunod na ni Pangulong Rodrigo “Duterte” ang umento sa mga titser.

As usual, sumasakit na naman ang ulo ni Department of Budget Ma­nagement (DBM) Secretary Benjamin Diokno dahil hindi raw niya alam kung saan kukunin ang budget.

Kung sabagay, kahit tayo ang nasa sapatos ni Secretary Diokno, masakit talaga sa ulo ‘yan. Pero maraming remedyong ginagawa ang admi­nistrasyon ngayon para umikot ang ‘pera.’

Sa totoo lang, ang kailangan lang naman, umikot ang pera para maisakatuparan ang lahat ng plano at mithiin ng administrasyong Duterte.

‘Yang taas ng suweldo ng mga sundalo, pulis, titser at iba pa, hindi naman problema ‘yan kung umiikot nang tama ang ‘salapi.’

Hindi ba’t kapag sumuweldo, agad din lumalabas ang kuwarta dahil mayroong mga pangangailangan na kailangang tugunan ang isang indibidwal na manggagawa, empleyado, kawani, pulis, sundalo at iba pang consumers?

Ibig sabihin, babalik din agad ‘yan sa kabang yaman ng bansa. Maliban kung ibinibinbin ng malalaking establisyemento o mga pribadong banko ang umiikot na salapi sa komersiyo.

O ‘yung tinatawag na may akumulasyon sa pinansiya ang mga kapitalista at oligarkiya.

Kapag ganyan ang nangyari, tiyak na sasakit talaga ang ulo ni Secretary Ben. Kasi parang naho-hoard ang ‘salapi’ na dapat ay umiikot sa komersiyo patungo sa mga institusyong pananalapi ng pamahalaan para muling mailabas sa publiko.

Saan kukuha ng pansamantalang pang-abono habang hindi pa bumabalik ang pinakawalang salapi?!

Sa ganang atin, pag-aralan ng DBM ang napakalaking suweldo ng mga mambabatas bukod pa sa mga operational expenses nila.

Bawasan ang suweldo ng mga mambabatas, hindi lang sa kasalukuyang administrasyon kundi hanggang sa mga susunod pa.

At ang iba pang opisyal ng pamahalaan na naglulunoy sa malaking suweldo pero ang trabaho lang magpakuya-kuyakoy sa loob ng malalamig nilang opisina.

At pagkatapos itaas ang suweldo ng mga titser, isunod na sana ni Tatay Digong ang health workers  sa mga pampublikong ospital.

Kung mangyayari ito, hindi tuluyang maiiwanan ng ipapataw na TRAIN ang buhay ng mga pangkaraniwang Filipino at makatutulong pa sila sa pag-ikot ng ekonomiya.

CONGRATULATIONS
DILG SEC. EDUARDO AÑO
USEC. MARTIN DIÑO!

ANO ang pagkakapareho ng dalawang bagong opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG)?!

Ano raw?!

E ‘di parehong may eñe (ñ).

Ito raw ang usong joke ngayon sa pagkakatalaga nina Secretary Eduardo Año at Undersecretary Martin Diño sa DILG.

Pero bukod sa pareho silang may ñ, pareho silang pinagkakatiwalaan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Tututok umano nang husto si Sec. Año laban sa illegal gambling.

Unahin sana ni Secretary Año ang Maynila na talaga namang umaapaw ang iba’t ibang klase ng ilegal na sugal.

Video karera, jueteng, bookies, at iba’t ibang tinatawag na sugal lupa pero tiba-tiba ang illegal gambling operators.

Si Usec. Diño naman ay sinabing tututok laban sa drug trafficking sa barangay level.

Kakastigohin ni Usec. Diño ang mga barangay na hanggang ngayon ay pinamumugaran pa rin ng illegal na droga at nanatiling walang aksiyon ang pamunuan.

By the way, puwede bang isama na ni Usec. Diño ang mga barangay na may illegal parking at illegal vendors pero hindi umaaksiyon ang barangay officials?!

Unahin na niya ang barangay na nakasasakop sa illegal terminal sa Plaza Lawton (Liwasang Bonifacio) na matagal nang namamayagpag at bumababoy sa makasaysayang Liwasang Bonifacio.

Kina Secretary Año at Undersecretary Diño, congratulations and mabuhay…

Good luck on your new endeavours!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *