Friday , November 15 2024

Pres. Rodrigo Duterte: ‘Salamat’ po sa TRAIN

SA mga nagbabalak kumuha ng hulugang sa­sakyan ay huwag nang ituloy kahit mababa ang down payment.

Kasama sa malaking papatawan ng mataas na buwis ang mga bagong sasakyan sa ila­lim ng Republic Act No 10963, ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN Law) na ipinasalubong sa atin pagpasok ng nakaraang Bagong Taon.

Ngayon pa nga lang ay mahigit P50 na ang presyo ng gasolina at krudo kada litro, gaano pa kaya kapag naipatupad na ang TRAIN.

Sikapin na lang agahan pa ang paggsising sa umaga upang hindi maatraso sa pagpasok sa trabaho.

Halimbawa, kung dati, alas-5:00 pa lang ng umaga gising na, ngayon alas-3:00 pa lang ng madaling araw ay dapat bumangon na.

Makikipag-unahan ka pa sa dagsa ng mga mananakay sa pampasahero bus, jeep at kolorum na UV Express.

Puwede naman ang siksikan sa bus hangga’t kasya, habang sa mga jeepney ay pwede ang sabit sa estribo.

Baka paminsan-minsan ay suwerteng makalusot sa pagsabit sa estribo ng jeepney kung biglang-baba nang hindi nagbabayad ng pasahe, patay-mali lang, tapos sabay bo-tak.

Sa bus naman, magtulug-tulugan na lang pa­minsan-minsan habang nakaipit sa suot na reloj ang napulot na tiket para hindi singilin ng konduktor.

‘Di baleng pawisan at hingalin sa kahahabol ng masasakyan, kaysa naman hindi gaanong kumikilos kung nakatayo lang habang nag-aabang ng masasakyan.

‘Buti nga ngayon may mga masasakyan na, samantala noong araw sa kalesa lang sumasakay ‘yung may mga pambayad ng pasahe.

At ‘di na baleng gabihin sa pag-uwi mula sa maghapong trabaho kung mahirap sumakay. Hindi ka naman mainip dahil marami namang kasabay na nag-aabang ng masasakyang bus o jeep.

Libangin na lang ang sarili sa panonood ng mga nagdaraang sasakyan o kaya naman ay sa pagbibilang ng madaraanang poste habang naglalakad para hindi gaanong ramdam ang pagod.

Huwag na lang din intindihin kung aawayin ng asawa na nag-aalala kapag ginagabi sa pag-uwi. Sa umpisa lang ‘yan, masasanay din siya.

Iwasan na rin ang pag-inom ng soft drinks para makatipid. Bukod sa masama ito sa kalusu­gan ay sanhi raw ito ng diabetes at obesity, ayon sa mga doktor.

Hayaan na lang sa mayayaman ‘yang soft drinks o soda dahil may pambili sila. Tutal, magkasakit man sila ay mayroon namang maipambabayad sa ospital at may maipambibili ng gamot.

Malaki rin ang matitipid mo kung magbabawas ng konsumo sa koryente.

‘Wag nang gagamit ng bentilador sa pagtulog dahil malakas ‘yan sa koryente, lalo ‘pag dalawang magkasabay ang gamit ay katumbas na raw ng isang aircon ang konsumo.

Katol na lang ang gamitin n’yo sa bahay gabi-gabi, ‘di hamak na mas mura pa ‘yan kaysa makokonsumo ng bentilador.

Kung natatakot kang makagat ng lamok na may dengue, takbo na agad sa health center para sa libreng bakuna ng Department of Health (DOH).

Mahal ang Dengvaxia vaccine, samantala sa DOH ay libre lang kaysa naman bumili ka pa.

Matutong magtipid sa buhay, magbawas sa pagkonsumo ng tubig dahil pati ang serbisyo ni­yan ay magmamahal din sigurado.

Kung dati ay araw-araw ang paliligo bago pumasok sa trabaho, magastos na bisyo ‘yan kaya dapat na rin tigilan.

Gawin na lang tatlong beses isang linggo, at sa gabi maligo bago mahiga para ‘di gaanong mainitan sa pagtulog.

Kinabukasan – sakaling magigising ka pa – hilamos at sepilyo na lang na may konting mumog bago umalis ng bahay papasok sa trabaho.

Noon, kaya inimbento ang TRAIN para sa convenience.

Pero ang TRAIN ngayon ay para sa inconvenience.

Kay Pres. Rodrigo “Digong” Duterte, mara­ming salamat po!

 

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

 

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *