Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

International motocross, gaganapin sa Abra

Ang pinakahihintay na Congressman JB Bernos International Freestyle Motocross ay gaganapin sa Enero 27-28 sa Namagpagan Motocross Track, Poblacion, La Paz, Abra.

Sa ikapitong taon nito, ang kompetisyon ay naglalayong ipakilala ang motocross tourism sa bansa sa 12 kategorya sa karera at ang freestyle exhibition.

“Bawat taon, nag-iimbita kami ng malalaking bituwin sa freestyle motocross, tulad ng mga international riders mula sa Amerika. Ngayong taon, dadalhin namin dito ang mga pinakamahuhusay na freestyle riders ng mundo,” anang Pangulo ng SELJ SPORTS at ang Hari ng Motocross na si Jay Lacnit, ang partner ni Bernos sa karera.

ANG sabayang pag arangkada ng mga motocross riders na muling matutunghayan sa gaganaping International Motocross sa Namagpagan Motocross Track sa La Paz, Abra. (HENRY T. VARGAS)

Inaasahang darating sa bansa ang mga international freestyle riders na sina Tom Robinson, Harry Bink, Steve Mini, Scott Fitzgerald, Blake Bilko Williams, at Emma McFerran. Ang mga alamat nacelebrity riders na sina Jack McNeice, Corey Creed, at Denis Stapleton ay dadalo din sa nasabing kompetisyon.

“Lahat ng ating kababayan dito sa La Paz ay hinihintay itong malakingtournament. Ipinagmamalaki naming dalhin ang sports motocross tourism sa Pilipinas,” ani Congressman JB Bernos.

Masaya ding sinabi ni Mayor Ching Bernos na ipinagmamalaki niyang naging tagahanga na ng motocross ang buong Abra dahil sa kompetisyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …