Saturday , November 16 2024
thief card

Janitor nanakawan ng P16,000 cash (Sa Pag-IBIG card)

NAGREKLAMO sa pulisya ang isang janitor nitong Huwebes, makaraan manakawan nang mahigit P16,000 cash loan mula sa kaniyang Pag-IBIG Fund card.

Salaysay ng biktimang si Joseph Vega, 45, nitong Disyembre inaprobahan ang kaniyang P39,400 loan na natanggap niya sa cash card.

At nitong 22 Disyembre, tatlong beses siyang nag-withdraw gamit ang card sa dalawang mall sa Quezon City.

Ginamit din niya ang card nang bumili siya ng cellphone at data plan.

Pagkaraan, nagtira si Vega ng P16,000 sa card para sa matrikula ng kaniyang anak sa kolehiyo ngunit nagulat siya nang makitang P10 na lang ang balanse nitong Martes.

Ipina-check niya sa banko ang card at natuklasan niyang nagamit ito sa ibang transaksiyon, kabilang ang online purchases sa Makati, Quezon City at Sweden.

Sinubukan din aniyang gamitin ang card para sa transaksiyon sa Amerika kahit wala na itong balanse.

Nagpa-blotter si Vega sa pulisya at hiniling na suriin ang CCTV footage sa mga lugar na ginamit ang kanyang Pag-IBIG Fund card.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *