DELIKADO mag-invest sa bitcoin dahil sa malaking price fluctuations at maaaring magresulta sa malaking pagkalugi, babala ng Bangko Sentral ng Filipinas.
Ang bitcoin ay mabilis ang pagtaas nitong nakaraang taon, kaya marami ang nahikayat na mag-invest sa digital currencies nagresulta para umaksiyon ang mga awtoridad sa mundo katulad ng BSP, hinggil sa kanilang kapangyarihan sa nasabing instrumento.
“The price of bitcoin can change very rapidly, that’s why kung marami kang holdings ng bitcoins, you may be exposed to huge financial losses,” pahayag ni BSP deputy director Melchor Plabasan.
Sinabi ni Plabasan ang bitcoins bilang investment vehicle ay “very risky, very speculative” at dapat ikonsidera ng publiko ang sapat lamang na cryptocurrencies para sa kanilang mga transaksiyon.