Tuesday , December 24 2024
road traffic accident

1 patay, 2 sugatan sa motor vs truck

BINAWIAN ng buhay ang isang lalaki habang sugatan ang dalawa ni-yang kasama nang sumal­pok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang delivery truck sa Quezon City, nitong Huwebes ng madaling-araw.

Bumulagta sa intersection ng Quezon Ave. at D. Tuazon St., ang tatlong lalaki makaraan tumilapon mula sa sinasakyang motorsiklo.

Salaysay ng truck driver na si Lauro Padilla Jr., naka-green light sa D. Tuazon at tumatawid ng Quezon Ave., nang biglang bumangga ang motorsiklo.

Naka-red light umano ang Quezon Ave., kaya nagulat siya na mabilis ang takbo ng motorsiklo.

Ayon sa impormas-yon, lasing umano at walang helmet ang tatlong biktima.

Nakuha sa kanila ang dalawang ID ng pulis ngunit hindi pa kompirmado kung miyembro sila ng pulisya.

May nakuha rin ma-gazine ng baril at mga bala sa kanila, ayon kay traffic investigator Roy Torre.

TOTOY DEDBOL
SA BUNDOL NG SUV

BINAWIAN ng buhay ang isang 12-anyos bata nang mabasag ang bungo makaraan mabundol ng isang SUV sa Roxas Boulevard, Pasay City, nitong Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa testigong si Mark Ordano, tumatakbong naglalaro ang biktima kasama ang apat iba pang mga bata bago maganap ang insidente.

Nabundol ang bata ng isang itim na SUV nang tumawid siya mula sa northbound ng Roxas Boulevard papuntang southbound.

Sinasabing hindi huminto ang SUV na minamaneho ng isang 17-anyos binatilyo, ayon sa isa pang testigo na si Ariestedes Calaustro.

Sumuko ang binatil-yong driver sa pulisya makaraan ang insidente.

Ayon sa kaniyang abogado, natakot ang suspek na baka kuyugin kaya hindi huminto.

Depensa ng abogado, banayad lang ang takbo ng SUV. Labis ang paghihinagpis ni Danilo Vargas, ama ng biktima.

“Patawid lang siya sa daan tapos iyon nakita ko na. Sinabi na sa akin na patay na. May basag na iyong ulo,” aniya.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *