Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

Pasaway na pulis sa New Year

HINDI lamang makukulit na sibilyan kundi mismong mga pasaway na pulis na mahilig magpaputok ng kanilang baril kapag sumasapit ang Bagong Taon ang dapat na matamang bantayan ng Philippine National Police o PNP.

Nakalulungkot dahil sa kabila ng mahigpit na kampanya ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa, patuloy na tumataas ang bilang ng indiscriminate firing kapag sumasapit ang pagdiriwang ng New Year.

Nitong nakaraang taon, tumaas ang bilang ng indiscriminate firing sa pagsalubong ng new year. Halos dumoble ang bilang nito sa dating 11 kaso ay umabot sa 23. Naitala ito noong Disyembre 2015 at Disyembre 2016.

Bagamat hindi ito masasabing lahat ay kagagawan ng mga tiwaling pulis, lumalabas na hindi epektibo ang ipinagyayabang ni Bato na hindi ipatupad ang paglalagay ng tape sa ‘nguso’ ng mga baril ng mga pulis dahil tiwala raw siya sa kanyang mga tauhan na hindi sila magpapaputok.

Dati-rati ay ganito ang ginagawa ng mga opisyal ng PNP, ang selyohan ang nguso ng mga baril ng kanilang mga tauhan. Layunin ng paglalagay ng tape sa nguso ng baril ay para hindi maengganyo ang ilang pulis na magpaputok ng kanilang baril sa selebrasyon ng Bagong Taon.

Pero sabi nga, talagang matigas ang ulo ni Bato. At sa taong ito, muli na naman niyang uulitin ang hindi paglalagay ng tape sa mga baril ng kanyang mga pulis. Meron daw siyang trust and confidence sa kanila at naniniwala siyang hindi sila magpapaputok ng kanilang baril sa Bagong Taon.

Sa pangangatuwirang ito ni Bato, umaasa tayo na hindi na mangyayaring muli na may mga batang mabibiktima ng ligaw na bala kapag sumasapit ang Bagong Taon. Ilan kaya ang masusugatan at ilan din kaya ang mapapatay dahil sa indiscriminate firing?

Sabagay, sinabi ni Bato na maghihigpit sila sa pagbabantay at maayos nilang ipatutupad ang seguridad sa bawat komunidad laban sa mga pasaway na nagbabalak magpaputok ng kanilang mga baril sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Umasa tayo sa pangako ni Bato!

KAMPANYA SA MGA BARANGAY

Nitong nakaraang araw ng Pasko, parang araw ng eleksiyon ang nangyari sa mga barangay sa Metro Manila.  Abalang-abala ang mga kagawad, barangay chaiman, mga tanod at ‘yung mga nag-aambisyong lumaban sa mga incumbent officials, sa pag-iikot.

Hindi magkamayaw ang mga barangay officials na parang mga Santa Claus.  Walang tigil sa kaiikot sa kanilang mga barangay at panay ang bigay ng mga aginaldo. Bati rito, bati roon kahit hindi naman nila kakilala ang mga nakakasalubong na mga tao.

Hindi mo nga naman sila masisisi dahil sa Mayo 2018, pangalawang Lunes, ay isasagawa ang eleksiyon ng barangay.  Malapit na kung tutuusin, kaya kanya-kanyang porma sila at nagpapapogi sa kanilang mga kabarangay.

Pero kung ako ang tatanungin, mas mabuti sigurong ihalal natin ‘yung mga simple at masisipag na mamamayan sa ating mga barangay tulad ni Michael “Buko” at kay Susan “Turon” tayo!

 

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *