Friday , November 15 2024

Imbestigasyon sa NCCC matutulad lang sa RWM

SABAY-SABAY na naman ang imbestigasyon sa nasunog na New City Commercial Center (NCCC) Mall sa Davao City na kumitil sa 37-katao.

Paiimbestigahan daw ang trahedya para makasuhan kung sino man ang mapapatuna­yang may dapat panagutan sa batas.

Bukod sa Department of Justice (DOJ), Department of Labor and Employment (DOLE) at National Bureau of Investigation (NBI), malamang na may iba pang ahensiya o tanggapan ng gob­yerno ang nagpa-planong magsasagawa ng sarili rin nilang imbestigasyon sa malagim na trahedya.

Ang masaklap kasi rito sa bansa natin, habang dumarami ang nag-iimbestiga sa insidente ay lalong gumugulo.Hindi na kailangan pang maging manghuhula para mahulaan na tulad sa mga nakaraang trahedya ay wala rin namang mangyayari dahil ang mga nag-iimbestiga ay natatapalan.

Naaalala n’yo pa ba ang trahedya sa Resorts World Manila (RWM) noong Hunyo?

Sa RWM ay 38 ang namatay at halos hindi nalalayo sa bilang ng nasawi sa NCCC.

Palibhasa bigtime at maraming salapi ang ope­rator ng RWM kaya pati ang Kamara at Senado ay nakisawsaw at nagpatawag ng magkahiwalay nilang imbestigasyon.

‘Di ba wala namang nangyari?

Mistulang orchestra na kinumpasan ang Kamara at Senado sa RMW nang maglahong parang bula pati ang ingay na umaalingawngaw mula sa hanay ng media matapos sa areglo de pataranta din nauwi ang kaso.

At katapus-tapusan, ang mga nag-iimbestiga pa ang lilitaw na abogado at spokesman ng kanilang inimbestigahan.

Only in the Philippines, ‘di po ba?!

HINDI KOREA
ANG PH

NAALALA natin ang pangyari sa gumuhong Mall sa South Korea noong 1995.

Kompara sa NCCC, mas marami nga lang ang bilang ng namatay sa bigla na lang pagguho ng Sampoong Department Store na umabot sa 501-katao, at mahigit sa 900 ang nasaktan.

Buwan ng Hunyo naganap ang insidente sa Sokor pero Diyembre ay agad naibaba ang hatol ng hukuman laban sa mga kinasuhan.

Si Lee Joon, may-ari ng Mall na noo’y 73 anyos, ay nahatulan ng sampung taon at anim na buwan na pagkabilanggo.

Ang kanyang 43 anyos na anak na si Lee Han Sang, pangulo ng kompanya, pitong-taon na pagkakulong ang naging hatol dahil sa “negligence” at “bribing government officials.”

Isinisi sa mag-ama ang pagguho ng gusali dahil sa “faulty design” at “poor construction” na nauwi sa malagim na trahedya.

Pinapanagot din pati ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa Sokor.

Samantala dito sa atin ay hindi na mabilang ang nangyaring trahedya pero ni isa ay wala pang naparusahan.

SARILING
KONSTITUSYON
NI REP. EDCEL
LAGMAN

NAG-AAKSAYA lang ng panahon ang mga kumukuwestiyon sa extension ng Martial Law sa Mindanao.

Akala mo naman talagang may malasakit sa Saligang Batas at rule of law si Albay Rep. Edcel Lagman na nanguna sa paghahain ng kaso sa Korte Suprema para kuwestiyonin ang Constitutionality sa Martial Law extension.

Kaya lang naman tutol sa ML si Lagman at ang kanyang mga kaalyado niyang gago sa Kamara at Senado ay hindi dahil sa Constitutionality, kung ‘di dahil hindi nila kaalyado ang nakaupong pangulo ng bansa.

Kung talagang may rumerespeto sa Konstitusyon si Lagyan, ‘este Lagman, bakit hanggang ngayon ay wala siyang batas na naipanukala na magpapatupad sa Anti-Political Dynasty?

Ang hirap kay Lagman at sa mga hindoropot na politikong kasama niya ay ginagamit lang ang Konstitusyon kapag hindi kumokontra sa kanilang interes.

Sana, unahin munang ipanukala ni Lagman ang pagpapasa ng batas na bubuwag sa kasong libelo na ginawa ng Kongreso.

‘Di ba maliwanag na nasasaad sa Bill of Rights ng ating Saligang Batas: “No law shall be passed abridging the freedom of speech or of the press?”

Sa madaling sabi, labag sa Konstitusyon ang pagkakalikha ng batas sa libelo.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

 

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *