MABILIS na kumalat sa social media ang tsikang nagparetoke ang dating PBB Housemate na si Miho Nishida. Ito ay nag-ugat sa bagong larawang nai-post na ibang-iba sa rati niyang hitsura.
Hindi man nito tuwirang inamin o itinanggi (nagparetoke), marami ang nagsasabi na ginawa nga nito iyon.
Ayon nga kay Miho sa isang panayam, “Siyempre bilang isang artista para sa akin gusto kong lagi tayong maganda. And then happy ako kung ano ang mayroon sa akin. At mas lalong tumaas ‘yung (confidence) ko.”
Marami tuloy ang na curious na makita ito kaya mas tumaas ang sales ng nalalapit nito concert sa Dec. 20 sa Music Museum entitled, I am Unstoppable.
ANG LARAWAN,
GRADED A NG CEB
MAGANDA ang pelikulang Ang Larawan kaya nakakuha ito ng Graded A mula sa Cinema Evaluation Board. Ito ay MMFF entry nina Paulo Avelino, Rachel Alejandro, at Joanna Ampil.
Isa ito sa walong pelikula sa MMFF na dapat panoorin dahil sa magandang kuweto, mahusay, at de kalidad na mga artista bukod pa sa kapupulutan ng aral.
Sa pagkakakuha nito ng Graded A, maraming netizens ang nagka-interes na panoorin ito. Isa na rito ang mga movie fanatic at very close friends na sina Haye Start, Ann Malig, Hazel Feliciano, Vernon Feliciano, at Tom Simbulan na nagsabing ito ang unang pelikulang panonoorin nila sa Kapaskuhan.
MATABIL
ni John Fontanilla