KATATALAGA pa lang sa kanya ni Pang. Digong sa puwesto, intriga agad ang ipinasalubong ng dating “jueteng” whistblower na si Sandra Cam sa mga dinatnan niyang opisyal sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Kasunod ng pagkakatalaga kay Cam noong Dec. 13, ipinangalandakan ni Cam sa isang press conference na kanya raw lilinisin ang mga katiwalian sa PCSO.
Paniwala pala ni Cam, siya lang ang bukod-tanging may hawak ng prangkisa na magbulgar sa small town lottery (STL) ng PCSO na ginagamit sa ilegal na operasyon ng jueteng.
Ipinagmalaki ni Cam sa media, sa mahigit 100 milyong populasyon ng Filipinas ay bukod-tanging siya lang ang may kakahayahan na magbulgar sa mga illegal STL operation.
Kaya natural na maimbiyerna kay Cam si retired Brig. Gen. Alexander Balutan, general manager at chief operating officer (COO) ng PCSO.
Sabi ni GM Balutan, ang naging pahayag ni Cam ay bunsod nang kawalan niya ng sapat na pagkakaintindi sa gampanin ng isang PCSO board member.
Niliwanag ni GM Balutan na ang paglilinis sa katiwalian ay bahagi ng operations na tungkulin niya bilang COO, hindi trabaho ni Cam at ng PCSO board na policy making lamang.
Ayon kay GM Balutan, “pasensiya na po kung hindi alam ni Aleng Sandra ang kanyang pinagsasasabi at kung wala rin siyang muwang sa dapat gampanang trabaho sa PCSO.”
Baka nagpaparamdam lang po sa mga “lord” dahil matagal na kasi niyang name-miss ang jueteng!
Ha, ha, ha!
PATAY SA DENGVAXIA
NAMATAY si Anjielica Pestilos nitong nakaraang Dec. 15, tatlong buwan matapos siyang mabakunahan ng Denvaxia noong September 2017 sa kanilang paaralan.
Batay sa kanyang death certificate, syste-mic lupus erythematosus or an auto immune disease ang ikinamatay ni Anjielica.
Taliwas ito sa clinical abstract ni Dr. Erwin Erfe, forensic expert at director ng Public Attorneys’ Office (PAO) Forensic Laboratory, na may indikasyon na severe hemorrhagic dengue ang sanhi ng maagang pagkamatay ni Anjielica.
Si Anjielica ay hindi pa tinamaan ng dengue at nagsimula lamang magkasakit isang buwan matapos siyang mabakunahan.
“When we reviewed her clinical abstract, there is a manifestation that Anjielica died of severe hemorrhagic dengue,” sabi ni Erfe sa isang press conference.
Ayon kay Erfe, si Anjielica ay nakitaan ng mga sintomas ng dengue, tulad ng edema, rashes, bleeding and low platelet and WBC count.
Pinaiimbestigahan na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkamatay ni Anjielica para ihanda ang posibleng pagsasampa ng kaso laban sa mga dapat managot.
Bago kay Anjielica, ang 10-taon gulang na si Christine Mae de Guzman ay namatay rin sanhi ng severe dengue noong October 15, anim na buwan matapos maturukan ng Dengvaxia vaccine sa Sisiman Elementary School sa Bataan.
Si Christine Mae ay naturukan ng dispalinghadong Denvaxia noong April 16 habang si Ja-nette Garin pa ang kalihim ng Department of Health (DOH) at si dating Pang. Benigno “Noynoy” Aquino III ang nakaupong pangulo.
Kuwento ng mga magulang ni Christine Mae, “Habang kinukunan kami ng impormasyon, sina-bihan kami pasalamat kayo binigyan tayo ng gob-yerno ng libreng anti-dengue vaccine. Sa private po kasi may bayad na mahal aabot ng P4,500 to P5,000.”
Nagsimulang makaramdam ng sakit si Christin Mae sa iba’t ibang parte ng katawan noong October 11, 2016 at sa Mariveles Health Service Cooperative Hospital ay nakompirmang siya ay may dengue.
Dahil sa paglala ng kanyang kondisyon, inilipat ang bata sa Intensive Care Unit ng Bataan Provincial Hospital para salinan ng dugo.
Ang problema, sino ang mga kakasuhan sa mga mamamatay pa na naturukan ng Dengvaxia tulad nina Anjielica at Christine Mae, at gaano katagal matatamo ng mga biktima ang kataru-ngan?
‘Yan ang hirap sa justice system natin, pag karaniwang tao ay mabubulok sa kahihintay ng hustisya pero ang mga nasa pamahalaan na gu-magawa ng krimen laban sa mamamayan ay hindi naman napaparusahan.
(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])