Saturday , November 16 2024

NPA nananatiling pinakamalaking banta sa bansa (Ayon kay Gen. Bato)

INIHAYAG ni Philippine National Police chief, Director General Ronald dela Rosa, ang rebeldeng komunista ang nananatiling pinakamalaking banta sa kaayusan at kapayapaan ng bansa.

“‘Yung threat ‘pag sinabi mong level of threat magkapantay lang ‘yan sa terrorism at since labeled naman na terrorist ang NPA (New People’s Army) ‘di ba, kasama na ‘yan sa terrorism. So ‘yan ang mabigat na hinaharap natin,” pahayag ni dela Rosa.

“That has been existing and persisting for the last how many years. Tagal na ‘yang problema na ‘yan,” dagdag niya.

Nauna rito, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, gagamitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong puwersa ng Mindanao martial law laban sa NPA.

Magugunitang idineklara ng Pangulo, sa pamamagitan ng Proclamation No. 374, ang Communist Party of the Philippines at armed wing nitong NPA, bilang teroristang grupo.

Sa kanyang sulat sa Kongreso hinggil sa paghiling ng pagpapalawig ng martial law sa Mindanao ng isa pang taon, idinahilan ni Duterte ang banta ng “communist terrorists” na aniya’y sinamantala ang sitwasyon para patindihin ang kanilang pag-atake sa gobyerno.

Sinabi ni Dela Rosa, hindi dapat matakot ang mga tao sa martial law.

“Walang dapat na ikatakot. Ang natatakot lang ay ‘yung may masasamang binabalak or may masasamang ginagawa dahil nga limitado ang kanilang movement at binabantayan,” aniya.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *