Saturday , November 16 2024

Konsultasyon sa same-sex marriage hirit ng Simbahan (Kasunod ng OK ni Duterte)

MAKARAAN ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang suporta sa same-sex marriage, nanawagan ang  Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na dapat magkaroon muna ng dialogo ng lahat ng stakeholders o lahat ng may kinalamang partido, para matiyak na ang anomang polisiya ay nabuo makaraan ang  malawakang konsultasyon.

Sinabi ni Fr. Jerome Secillano, secretary ng permanent committee on public affairs ng CBCP, “The President has the right to say that or to support any measure he likes. But, we also expect that he and the members of Congress will be willing to listen to stakeholders and interest groups about their take on the matter.”

“In a way, policies/laws become more effective and responsive when formulated with a greater degree of consultation. Nothing yet is cast in stone. We believe that best way to deal with contentious issues is through dialogue.”

Kaugnay nito, pinasalamatan ang Pangulo nina House Speaker Pantaleon Alvarez, at Bataan Rep. Geraldine Roman, na isang transgender woman.

Ayon sa pahayag ni Alvarez, nasa komite na ang inihain nilang panukalang batas ukol sa pagsasamang legal nang magkaparehas ang kasarian.

Ngunit paliwanag ni Roman, mas madaling ipasa ang civil partnership kaysa same-sex marriage.

Ang habol aniya ng LGBT community ay karapatan.

“Marriage is a religious term so let them keep that term. What they’re interested in are civil rights… It’s not because I don’t support same-sex marriage pero I want to be realistic,” ani Roman.

Dagdag  ni  Roman, sa ilalim ng House Bill No. 6595 na akda nila ni Alvarez at walo pang ibang kongresista, hindi lang kikilalanin, kundi bibigyan ng magkaparehong karapatan ng mga kasal na mag-asawa ang civil partnership.

Magkakaroon ng karapatan ang “civil partners” na mag-ampon at magkaroon ng hatian sa ari-arian.

Papayagan din silang maghiwalay alinsunod sa mga kondisyon ng Family Code para sa mga kasal na mag-asawa.

Ayon sa explanatory note ng panukalang batas, napag-iwanan na ang Filipinas sa pagbibigay karapatan sa partners na ‘di puwedeng ikasal at marami rito ay galing sa LGBT community.

Inilinaw din ni Roman na puwedeng kahit heterosexual couples o isang babae at isang lalaki sa civil partnership kung ayaw nilang magpakasal.

Saad ng bahagi ng panukalang batas: “It is notable however that the Philippines has not made sufficient strides in providing some of the most basic civil rights to couples who are not eligible for marriage under the law. A large part of this affected population is the lesbian, gay, bisexual, and transgender community.”

“What we’re trying to do is to recognize stable relationships outside marriage… They’re also Filipinos and they should be afforded the rights of other Filipinos,” sabi ni Roman.

Sa ngayon, wala pang naghahain ng bersiyon ng panukala sa Senado kaya mahaba pa ang pagdaraanan ng panukalang batas sa civil partnerships, ayon kay Roman.

Magugunitang inihayag ni Pangulong Duterte ang pagnanais niyang bumuo ng komisyong mangangalaga sa kapakanan ng lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) sa isang pagtitipon ng LGBT community sa Davao City nitong Linggo, 17 Disyembre.

Inihayag din ni Duterte ang suporta niya sa same-sex marriage o pag-iisang dibdib ng magkaparehas na kasarian.

“Ako gusto ko, same-sex marriage. Ang problema, we’ll have to change the law, but we can change the law. Ang batas kasi, marriage is a union between a man and a woman. I don’t have any problems making it, marrying a man, marrying a woman… o whatever is the predilection of the human being,” ani Duterte.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *