Saturday , November 16 2024

Babala sa Biliran residents sapat — OCD official

INIHAYAG ng local disaster official nitong Lunes, sapat ang kanilang abiso sa mga residente sa lalawigan ng Biliran kaugnay sa planong paglilikas bunsod ng pagdating ng bagyong Urduja nitong nakaraang Sabado.

“Noong una pa po, hanggang sa kahuli-hulihan, we have been advocating for preemptive evacuation,” pahayag ni Office of Civil Defense Region 8 Director Edgar Posadas, ito aniya ay dahil sa natutuhan nilang leksiyon makaraan ang pananalasa ng super typhoon Yolanda.

Ayon kay Posadas, ang mga namatay sa landslide ay maaaring hindi batid ang matinding epekto ng malakas na buhos ng ulan sa kalapit na kabundukan.

“Ito sir, parang biglang nangyari ito, na natabunan lang sila roon. Ito po kasing mga komunidad na ito ay malapit sa mga bundok at mga burol na medyo na-saturate po ‘yung lupa,” aniya.

“Mataas po ang kamalayan ng mga tao rito. However, itong bagyo na ‘to, ang pinakamalakas na po rito ay Signal Number 2. May hangin po, pero hindi kasing lakas ng Yolanda,” dagdag niya.

Si Urduja ay may mahinang hangin kompara kay Yolanda ngunit bumuhos ang malaking volume ng ulan na pinatindi ng seasonal northeastern monsoon.

“Karamihan po rito ‘yung tubig na daladala ng bagyo, tapos medyo bumagal po siya, and this time of the year kasi, ‘yung silangang bahagi ng Visayas ay naka-experience ng epekto ng amihan, so dagdag pa roon ‘yung bagyong Urduja nitong mga nakaraang araw,” paliwanag ni Posadas.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *