ANG bagyong papasok sa Philippine Area of Res-ponsibility (PAR) ay maaaring sumunod sa landas na dinaanan ng bagyong Urduja, ayon sa pahayag ng PAGASA weather forecaster, nitong Linggo ng umaga.
Ayon sa ulat, ang bagyong Vinta ay maaaring pumasok sa PAR sa Martes o Miyerkoles at tahahakin ang dinaanan ni Urduja.
“Posible pong tatahakin ng paparating na bagyo ang daan ni Urduja. Usually sa ganitong mga buwan, Visayas at Mindanao ang dinaraanan ng mga bagyo… dahil sa malamig na hanging Amihan,” ayon kay Aldczar Aurelio ng PAGASA.
Ang malamig na hangin mula sa Northeast Monsoon (Amihan) sa “Ber1” months ang tumutulak sa bagyo sa panahong ito ng taon, patungo sa mga erya ng Visayas at Mindanao.