MAHIGIT 200 areas sa dalawang rehiyon ng Visayas ang nalubog sa baha bunsod ng malakas na buhos ng ulan dulot ng bagyong Urduja.
Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa kanilang 10:00 pm bulletin nitong Sabado, ka-buuang 232 areas sa Eastern at Western Visayas ang nalubog sa baha.
Hanggang nitong Linggo ng umaga,
tanging 38 lugar sa dalawang rehiyon ang humupa na ang baha.