Tuesday , May 13 2025
dead gun police

Tesorero, tanod patay sa ambush (Tserman, driver sugatan)

BINAWIAN ng buhay ang dalawa katao habang dalawa ang sugatan makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa Brgy. Annanuman, bayan ng San Pablo, Isabela, nitong Miyerkoles.

Ayon sa imbestigas-yon, lulan ng owner-type jeep sina barangay captain Briscio Gammaru, barangay treasurer Rey Mabborang, barangay tanod Bonifacio Lumabi at driver na si Kingberly Antonio ng Brgy. Dalena, San Pablo.

Papunta sila sa ba-yan ng Cabagan, Isabela para mag-withdraw ng pasuweldo at bonus sa mga kabarangay, nang bigla silang tambangan ng limang lalaki.

Napuruhan ang barangay tanod at treasurer na agad nilang ikinamatay habang ang dri-ver at ang kapitan ay su-gatan ngunit nakatakbo at nakapagtago.

Mabilis na tumakas ang mga suspek makaraan ang pamamaril.

Ayon kay Senior Supt. Reynaldo Garcia, provincial director ng Isabela Police Provincial Office, lumalabas na ang kapitan ang target ng pana-nambang dahil hinabol pa siya ng gunman ngunit bigo siyang mapatay.

Personal na alitan ang tinitingnan ng pulisya bilang motibo sa krimen.

About hataw tabloid

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *