Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maine, lilipat na ng ibang network?

NAKAKABAHALA ang alisngangas ng balita ukol sa hindi pagsulpot ng ilang araw sa Eat Bulaga ni Maine Mendoza. Iyon ay ukol sa posibilidad na paglipat umano nito ng ibang network.

Teka, totoo ba ang balitang iyon na lilipat na siya kaya bihira nang mapanood sa EB?

Well, nakaiintriga naman ang balita, pero malayong  mangyari iyon dahil may kontrata siya sa noontime show ng Siete.

At saka bakit naman maiisipang lumipat ni Maine? Nalilito ba siya sa suwerteng hawak-hawak niya ngayon?

Naku, huwag naman. Baka kasi matulad siya sa iba na ang suwerte ay mawala pa.

Sa isang banda, hindi puwedeng ilaglag ng Eat Bulaga si Maine dahil isa siya sa humahatak paitaas sa Eat Bulaga. Si Maine rin ang humahakot ng followers simula nang nag-click ang Kalye Serye.

Sa kasalukuyan, dapat lang na huwag ipilit kung sino ang dapat gustuhin ni Maine. Bigyan siya ng laya kung sino man ang itinitibok ng kanyang puso. .

COCO,
NAGPASALAMAT
KAY MOMMY D

MALAKI ang pasasalamat ni Coco Martin kay Mommy Dionisia noong dumalaw siya sa GenSan para sa promo niya ng Ang Panday.

Na-touched si Coco noong makita si Mommy D na bumati sa kanyang tagumpay.

GIANT CHRISTMAS
TREE NG BALIUAG,
DINARAYO

KUMUKUTITAP ang giant white lantern sa Baliuag, Bulakan buhat noong December sa pangunguna ng butihing Mayor Ferdie Estrella.

Dinarayo ang higanteng Christmas tree ng mga kalapit bayan ng Baliuag. Damang-dama na sa bayan ng Baliuag ang Kapaskuhan.

***

HAPPY birthday sa mga December born—Pops Fernandez, Aiko Melendez, Manny Pacquiao, JessyMendiola, Ronnie Rickets, Jak Roberto, Dave Rojo, JericVasquez, at Rainier Morales.

SHOWBIG
ni Vir Gonzles

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …