Saturday , October 12 2024

Joshua Garcia, gustong tularan ang pagiging marespeto ni Robin

BUKOD kay John Loyd Cruz, nadagdagan ang idolo ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia at ito ang Philippine Cinema Original Badboy na si Robin Padilla na nakasama niya sa pelikulang Unexpectedly Yours.

Kuwento nga ni Joshua sa  launching ng kanyang BNY Holiday Collections “siyempre ‘di mawawala si John Loyd (Cruz), pero sa ngayon si Tito Robin (Padilla).

Noong pagkatapos naming gawin ‘yung pelikula (Unexpectedly Yours) , siya ngayon ‘yung naging idol ko rin.

Kasi sobrang marespeto siya sa lahat ng tao, inaalagaan niya ‘yung mga taong mahalaga sa kanya.

Nakikisama siya sa lahat, hindi lang sa director, hindi lang sa artista.

Pagdating niya sa set babatiin niya hangang sa pinakamababa hangang sa pinakamataas.

Kahit pagod na siya ‘pag pack-up babatiin niya, naka-inspire siya,” mahabang paliwanag ng batang aktor.

Gusto mo bang sundan si Robin?

‘Yung pakikisama siyempre , makukuha ko sa kanya ‘yun, na hinahangaan ko sa kanya.

Siyempre hindi naman ako puwedeng maging badboy ha ha ha, badboy siya eh.

“Sana makagawa ako ng sarili kong pangalan katulad ni Tito Robin.”

Samantala happy naman si Joshua dahil lumabas na ang kanyang Holiday Collections , kaya naman natanong namin siya kung ano ang na pinaka-paborito niya sa mga bagong koleksiyon?

Actually para sa akin lahat.

Dahil lahat ‘yan  idea ng isa’t isa, naming lahat ‘yan kami ang naka-isip, so ‘yun. Lahat po.

Lahat ‘yan pati ‘yung details, ‘yung iba ako ‘yung nakapili ng idea, kasi classic tapos puwede sa lahat.

Maganda ‘yung quality, ‘yung tela komportable siya suotin.”

So lahat ng ilalabas na collections mo style mo talaga?

Yes, Yes! Naka-polo lang ako, naka-longsleeves,T shirts, simple lang, may jacket pa ‘yan.”

Sa lahat ng ginagawang suporta ng BNY pano mo sila pinasasalamatan? “Kulang pa ‘yung salamat, sa lahat ng itinulong sa akin, sa suporta, sa lahat ng ginagawa ko,

“Sa tiwala sa akin, kulang pa ‘yung pasasalamat.

Siguro maibabalik ko ‘yun sa, siyempre sa pagsuot ng mga product nila.”

JON LUCAS,
‘DI PRESSURED
KINA VICE GANDA,
COCO AT VIC

HAPPY  ang Kapamilya actor at member ng Hashtags na si Jon Lucas dahil napabilang sa Metro Manila Film Festival ang kanilang pelikulang Haunted Forest, mula sa Regal Entertainment Inc. na idinirehe ni Ian Lorenos.

Ayon kay Jon, walang pressure sa kanya kahit na malalaking artista ang kapanabayan ng kanilang pelikula na ipalalabas sa Dec. 25.

Hindi naman po ako napi-pressure kahit na malalaking artista, nandyan si Coco (Martin), Vice (Ganda), Vic (Sotto), ‘yung makakasabay ng movie namin.

‘Yung mapasama nga lang sa Metro Manila Film Festival ‘yung movie namin panalo na kami.

“Ang maganda lang siguro, ‘yung movie lang namin ‘yung horror, kaya ‘yung mga mahihilig sa horror ‘yung movie namin ang unang panonoorin.

“At saka, kilala naman ang Regal sa paggawa ng horror films tuwing Araw ng Kapaskuhan at lahat ‘yun kumikita. Kaya alam ko na katulad ng mga naunang horrot filmd ng Regal na nakasama sa Metro Manila Film Festival ay tatangkilikin din ng mga manonood ang ‘Haunted Forest’.

Makakasama ni Jon sa Haunted  Forest sina James Blake, Maris Racal, Jon Lucas, Beverly Salviejo, Joey Marquez, Raymart Santiago, Fiona Yang, Kelvin Miranda, Jerald Napoles, Betong Sumaya, Myrttle Sarrosa, at Miho Nishida. 

Ito ay Rated PG.

MIHO NISHIDA:
I AM UNSTOPPABLE
CONCERT

SA DEC. 20 NA

BAGO matapos ang taon ay may malaking regalo sa Kapaskuhan si Miho Nishida, ito ay ang kauna-unahang concert niya, ang I AM UNSTOPPABLE  sa December 20, sa Music Museum.

Kaabang-abang ang mga pasabog na production number ni Miho at ng kanyang mga espesyal na panauhin na sina Mikee Agustin, Yexel Sebastian, Young JV, Goodvibes, Birdy, Daniela Castro, Kurt Salvador, Yvette Sanchez, at Arnold Rajan Provido.

Mabibili ang tiket ng Misho Nishida: I Am Unstoppable sa halagang VIP-2000, Orchestra Side-1500 and Balcony-800. For tickets pls. call 09064730191 or landline 2529935.

Ang Miho Nishida: I Am Unstoppable Concert ay hatid ng R- Event Solutions Production na ididirehe ni Mich Garong.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

kylie Robin Padilla Aljur Abrenica

Kylie may patama kay Aljur — a great leader is a man who can lead his family

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UY, grabe pero sapul na sapul nga yata si Aljur Abrenica sa cryptic …

Nora Aunor

Nora ‘nagpagamit’ daw (sa pagtakbo bilang kongresista)

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “THIS is what, her nth time in trying her luck in …

Alan Peter Cayetano

CIA with BA’: Dapat bang ang ama ang laging masunod kapag nagdedesisyon?

SANAY tayong mga Filipino sa kultura na ang ama ang kadalasang may huling salita sa …

Carlos Yulo Chloe San Jose

Chloe sa mga tumatawag sa kanya ng famewhore — nakapag-build na ako ng name before ko pa makilala si Caloy

MA at PAni Rommel Placente IPINAGTANGGOL ni Chloe San Jose ang sarili sa akusasyon ng  kanyang bashers, …

Vico Sotto Vic Sotto Coney Reyes

Vic at Coney walang kakaba-kaba sa muling pagtakbo ni Vico — Matatalino ang Pasigueño, style na bulok hindi na uubra

MA at PAni Rommel Placente NAGBIGAY ng reaksiyon si Vic Sotto sa mga naninira sa anak niyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *