SA wakas, nagsalita na ang Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kaugnay ng bintang sa kanya na siya ang dahilan ng pagkatalo ni 2017 Ms. Universe Philippines Rachel Peters sa Miss Universe 2017 na isa siya mga hurado.
Maaalalang ginanap ang prestihiyosong international beauty pageant sa Las Vegas, Nevada, USA last November 27 (Philippine time).
‘Di ikinatuwa ng maraming Filipino pageant fans ang hindi pag-usad ni Rachel sa Top 6, kahit na naging maganda naman ang performance nito sa evening gown competition ng Top 10 candidates.
Ibinaling ng iba ang galit kay Pia, na isa sa mga hurado noong grand coronation.
Tinawag na “insecure,” “inggitera,” at iba pang masasakit na salita si Pia at inakusahan pang binigyan umano ng mababang score si Rachel. Pati ang pinanggalingang beauty pageant camps ng dalawang beauty queens ay iniuugnay.
Si Rachel ay mula sa Kagandahang Flores, samantalang si Pia ay mula naman sa Aces & Queens.
Si Demi Leigh Nel-Peters ng South Africa ang nag-uwi ng Miss Universe 2017 crown.
“I WAS FAIR.” Sa pamamagitan ng isang video na nai-post sa Instagram, iginiit ni Pia na naging patas siya sa pagbibigay ng score kay Rachel.
“I was fair to everyone, not just to Miss Philippines, but also to the other candidates.
“And I think that’s why they chose me, because they knew that I was going to be fair and impartial when it comes to judging for choosing the next Miss Universe,” pahayag ng 28-year-old beauty queen.
ALDEN, BALIK
EAT BULAGA NA
NAKABALIK na sa Eat Bulaga at ready to work na ulit ang Pambansang Bae na si Alden Richards.
Maaalalang isinugod sa ospital si Alden dahil sa sobrang sakit ng tiyan na sanhi pala ng amoebiasis kaya nagpadala na ang actor sa ospital.
Sa isang tweet naman ng father ni Alden, nakasaad ang mensahe na, ”Going home. Salamat din po sa mga dasal ninyo.”
Kaya naman wala nang dapat ikabahala ang mga loyal supporter ni Alden dahil okey na okey na siya. Pero ayaw nang magbigay pa ng pahayag kaugnay sa open letter ni Maine Mendoza at mas gusto na lang nitong tumahimik na lang.
MATT, SALUDO
SA KABAITAN
NG MAY-ARI
NG BEAUTEDERM
PROUD at tuwang-tuwa si Matt Evans bilang endorser ng Beautederm dahil sobrang bait at pamilya ang turing sa kanya at sa iba pang ambassadors ng CEO /President nitong si Ms. Rei Ramons Anicoche- Tan.
Tsika ni Matt, ”Sobrang saya po ng opening at saka lalo na si Nanay (Sylvia Sanchez), wala pong pagod at partida, may sakit pa po ‘yun, ha.
“Kay Mam Rei naman po, ang masasabi ko sa kanya, saludo ako at pagmamahal po para sa kanya. Kasi, sobrang hardworking po talaga siya at higit sa lahat mahal niya po ang ginagawa niya.
“Kaya nga po pati kami ay nahahawa na rin sa pagiging workaholic niya,” bulalas pa ni Matt sa isang panayam.
Katulad nga ng mahusay na actress na si Sylvia, mayroon na ring billboard si Matt sa Edsa, NLEX at iba pang lugar sa Pilipinas.
MATABIL
ni John Fontanilla