INAPRUBAHAN ng House Justice Committee nitong Miyerkoles ang committee report at consolidated bill na naglalayong palakasin ang Office of the Solicitor General sa pamamagitan nang pag-absorb sa functions ng Office of the Government Corporate Counsel at Presidential Commission on Good Government.
Bunsod nito, ang dalawang ahensiya ay mabubuwag kapag naipasa bilang batas ang nasabing panukala.
Sa report at consolidated bills ay pinagsama-sama ang magkakatulad na house bills na inihain nina Representatives Miro Quimbo, Evelina Escudero, Rodel Batocabe, Harry Roque, Gary Alejano, Joaquin Chipeco, Speaker Pantaleon Alvarez, House Majority Leader Rodolfo Fariñas atJustice Committee Chair Reynaldo Umali.
Ang panukala at ulat ay isusumite sa plenaryo para sa pag-aapruba sa pangalawa at pangatlong pagbasa.
Sa ilalim ng nasabing panukala, ang posisyon ng Soliticor General ay “will be upgraded to that of an Associate Justice of the Supreme Court.”
Kasabay nito, lalo pang pinalalakas ang OSC “by providing its lawyers and employees benefits and privileges already being enjoyed by their counterparts in other government offices,” ayon kay Quimbo sa kanyang explanatory note.