NAGKILOS-PROTESTA sa tanggapan ng Department of Health ang public health workers dahil sa pagkaantala ng kanilang mga benepisyo ka-tulad ng performance-based bonus na noong Hunyo pa umano nila dapat tinanggap.
Ayon kay Sean Herbert Velchez, tagapagsa-lita ng Alliance of Health Workers (AHW), kalahating buwang suweldo ang katumbas ng bonus.
Tutol din aniya ang kanilang grupo sa umano’y plano ng gobyerno na ibigay sa mga biktima ng digmaan sa Marawi ang kalahati ng kanilang P25,000 negotiations incentives ngayong Disyembre.
Pinalagan din ng AHW ang continuing professional development na dapat nilang gawin para makapag-renew ng lisensiya dahil kailangan nilang gumastos ng P50,000 para rito.
Hinarap ni Health Secretary Francisco Duque ang mga nagproprotesta at hinikayat silang ma-kipag-dialogo, bagay na ikinatuwa ng AHW.