Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Lupit ng senatorial race sa 2019

SA susunod na taon, 2018, nakatitiyak tayong kanya-kanya nang posisyonan ang lahat ng mga politikong nagnanais sumabak sa senatorial race para sa midterm elections sa May 2019.

Ang lahat ng partido politikal sa bansa, lalo ang PDP-Laban ng administrasyong Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang nakalalamang sa darating na halalan kung makinarya at orga­nisasyon ang pag-uusapan.

Kung matatandaan, halos sinusuyod na ng liderato ng PDP-Laban ang mga lalawigan at iba pang malalayong lugar para ipakilala ang kanilang mamanuking kandidato sa lokal lalo ang mga nagnanais tumakbo bilang senador ng ba­yan.

Pero hindi nangangahulugan na kapag ikaw ay nakasandig sa partido ni Digong ay nakatiti­yak na ng panalo sa darating na May 2019 elections.  Malaking salik pa rin ang tinatawag na popularity at talino ng isang kandidato kung bakit nananalo sa isang halalan.

Tandaang 12 kandidato lamang sa pagkasenador ang kinakailangang mahalal sa midterm poll kaya maituturing na ‘masikip’ para sa mga baguhang kandidato na makapasok sa tinatawag na Magic 12.

Kung titingnang mabuti, tiyak na ang panalo ng tatlong reelectionist na babaeng senador na sina Nancy Binay, Cynthia Villar at Grace Poe. Lamang na rin ang mga reelectionist na lalaki na sina Sonny Angara, Bam Aquino at JV Ejercito.

Kung tutuusin, anim na posisyon na lamang sa pagkasenador ang paglalabanan ng mga bagong tatakbo o silang mga balik-Senado para sa senatorial race dahil ang anim na iba pa ay pihadong kuha na ng mga reeleksyonista.

Kaya nga, ang mga pinalulutang na ng se­natorial candidates nina Senate President Koko Pimentel at Speaker Pantaleon Alvarez ay maituturing na walang panalo kung ihahambing sa mga senatoriables na tinatawag na may ‘dating’ at karisma.

Ang ilang senatoriables na sinasabing maaaring makalusot ay sina Pia Cayetano, ang presidential daughter at Davao City Sara Duterte, Mocha Uson, Ilocos Norte Governor Imee Marcos, broadcaster Karen Davila at Jessica Soho.

Sa sandaling sila ay tumakbo, masasabing maaari silang makalusot sa senatorial race.

Huwag na natin asahan pa ang mga kandidato nina Pimentel at Alvarez dahil tiyak sa basurahan silang lahat dadamputin. Pam­barangay lang ang mga nasabing politiko at ti­yak na walang kapana-panalo sa Senado.

Tiyak din tayong dodominahin ng mga kababaihan ang darating na senatorial race sa 2019 elections.  Kailangang magkaroon ng bo­ses sa Senado ang mga kababaihan, at sana pati na rin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *