Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
knife saksak

2 bakla nagsaksakan (Bayad sa sex ‘di tinupad)

KAPWA sugatan ang dalawang baklang lalaki makaraan magsaksakan nang magtalo hinggil pinagkasunduan nilang sa bayad sa kanilang pagtatalik sa Sampaloc, Maynila, nitong Miyer­ko­les.

Sinaksak ng suspek na si Angel Biel Sebulo ang biktimang si Rosalio Verano nang tumanggi umano ang biktima na ibigay ang pangakong pera kapalit ng pakikipagtalik.

Base sa imbestigasyon, nanood muna ng sine ang dalawa at pagka­raan ay dumiretso sa bahay ni Verano.

Nang hingiin ni Sebulo ang bayad bago sila magtalik ay walang ibinigay ang biktima. Bunsod nito, nagalit ang suspek, pahayag  ni PO3 Dindo Encina.

Kinuha ng suspek ang ATM card ni Verano at sinaksak ng patalim ang biktima sa mukha, leeg, at tuhod, dagdag ni Encina.

Ngunit lumaban ang biktima at sinaksak ang suspek sa likod.

Kapwa nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Sampaloc sina Verano at Sebulo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …