SA IKATLONG pagkakataon muling ginawaran ng Seal of Good Local Governance ang Caloocan City.
Kung local governance ang pag-uusapan, hindi na matatawaran ang kakayahan ni Mayor Oca Malapitan.
Ikatlo na ito at tingin natin ay patuloy na nagsisikap ang administrasyon ni Mayor Oca na pagbutihin ang kanilang pamumuno at pag-aangat sa kalagayan ng mga taga-Caloocan, may award man o wala.
Kaya lalo tayong bumibilib sa liderato ni Mayor Oca. Habang tumatagal lalo siyang nagiging malapit sa kanyang mga kababayan at lalo naman niyang pinag-iigting ang paglilingkod.
Kudos Mayor Oca!
Kunsabagay, ang Navotas at ang Muntinlupa ay ginawaran din ng Award ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Hindi natin naririnig ang Maynila.
Anyareee?!
Sana sa susunod na taon ay marinig naman natin ang Maynila.
SAAN PATUNGO
ANG IMPEACHMENT
HEARING LABAN
KAY CJ SERENO?
SA pinakahuling development, pinayagan na ng Supreme Court na humarap ang en banc justices kung ipatatawag ng House Committee on Justice sa impeachment hearing laban kay Chief Justice Lourdes Sereno.
Sa pagpayag ng Supreme Court, ang tatlong justices at court employees ay puwede nang humarap sa House panel sa impeachment rap laban kay Chief Justice Sereno.
Ibig sabihin nakahanda na ang kanilang clearance.
Ang nagreklamong si Larry Gadon, isang abogado, na nakasalang sa deliberasyon ay walang mailabas na ebidensiya.
At ang itinuturong source, ang reporter ng Manila Times na si Jomar Canlas.
Wattafak!
E saan pala ngayon patungo ang impeachment rap na ‘yan kung hindi sapat ang ebidensiya?
Ngayong pinayagan na humarap ang en banc justices, hindi kaya maging parang basurang dinurog ng bulldozer ang mga ebidensiya ni Gadon?
Ilan sa mga puwedeng iharap ng en banc justices ang issuance ng [temporary restraining order sa Senior Citizens cases at ang palitan ng komunikasyon nina Justice Teresita de Castro at ng Chief Justice.
Ang clustering case na kinasasangkutan ng Judicial and Bar Council, pinayagan si Justice De Castro ng Supreme Court na i-discuss ang merits ng main decision pero hindi ang deliberasyon na napunta sa nasabing decision.
At ang kaso na kinasasangkutan nina dating Solicitor General at ngayon ay Associate Justice Francis Jardeleza, pinapayagan si Justice De Castro na i-discuss ang merits ng kanyang hiwalay na concurring opinion pero muli, hindi ang deliberasyon ng pagtungo sa nasabing desisyon.
Sa mga susunod na hearing, malalaman natin kung sasampa o hindi ang impeachment rap, dahil lumalabas na nahihirapan ang nagreklamo na maitindig ang kanyang mga ebidensiya.
Ano ang mangyayari o saan patutungo ang impeachment hearing laban kay CJ Sereno?
‘Yan ang aabangan natin.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap