Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Biktima nga ba si ex-Gen. Dionisio “Tagoy” Santiago?

SA pinakahuling mga pangyayari hinggil sa pagkakasibak kay ex-Gen. Dionisio Santiago sa Dangerous Drug Board (DDB), lumalabas na fictitious ang lumagda sa liham na sinasabing ‘reklamo’ ng mga empleyado ng nasabing ahensiya laban sa kanya.

Ang tanong ngayon, kung ‘fictitious’ ang nakapirmang pangalan, peke rin kaya ang mga reklamo?!

Tampok sa mga reklamo ang pagbiyahe sa Europa ni Tagoy kasama ang pamilya at kasunod na biyahe ay sinasabing ‘girlfriend’ niya, gamit ang pondo ng ahensiya.

At ang pinakamatinding reklamo, binigyan daw ng mansiyon si Tagoy ng mga Parojinog, ang ‘drug lord’ ng Ozamiz City sa Misamis Occidental.

Mabibigat na akusasyon at nakasusugat ng dignidad at integridad ng isang kagaya ni Gen. Santiago na ilang dekadang nanungkulan sa gobyerno at wala ni isang kasaysayan ng katiwalian pero kung kailan pa siya nagretiro ay saka nagkaroon ng ganitong isyu.

Ang masakit nito, sinibak lang siya at hindi sinampahan ng kaso, kaya wala siyang pagkakataon na maipagtanggol ang kanyang sarili.

Sabi nga, para sa isang government official, mas mabuting sampa­han ng kaso kaysa maitsismis na may ginagawang labag sa itinatakdang kaasalan ng isang opisyal.

Paano ibabangon ni ex-Gen. Santiago ang kanyang pangalan kung basta lang siya sinibak at hindi sinampahan ng kaso?!

Pero mas malakas ang umuugong na tanong ngayon: “Sino ang trumabaho kay Santiago?”

Mayroon nga ba?!

Aabangan natin ‘yan.

TULOY ANG LIGAYA
NG MGA ‘NAKASAHOD’
SA ILLEGAL TERMINAL
SA PLAZA LAWTON

‘YAN na nga ba ang sinasabi natin.

Mukhang nagpakilala lang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaya ‘nilusob’ ang Plaza Lawton o ang Liwasang Bonifacio para palayasin kuno ang mga UV Express, mga provincial bus at kolorum na van sa illegal terminal sa nasabing lugar.

Pero wala pang dalawang linggo, hayun, nagbalikan din ang nasabing mga sasakyan.

Kumbaga tuloy ang ligaya ng mga nagmamantina ng nasabing illegal terminal.

At sa pagkakataong ito, may nakabantay pang mobile patrol car ng Manila Police District – PS5.

Kaya pala nang maghamon ang inyong lingkod ng pustahan ay walang kumasa, kasi alam nilang matatalo sila.

Kaya kung muli kayong mapaparaan sa Lawton o sa Liwasang Bonifacio, huwag po kayong magulat kung wala na naman kayong mada­anan sa dami ng sasakyan at makaamoy kayo ng umaalingasaw na kapanghian.

Unti-unti na ring nagbabalikan ang mga illegal vendor at mga ‘constituent’ na natutulog sa ilalim ng P. Burgos Drive interchange, sa paligid ng monumento ni Gat Andres Bonifacio, sa likod ng Philpost building at  sa pali-paligid ng buong liwasan.

Yes, parang bahay kubo lang ang peg.

Higit sa lahat, huwag po kayong magtaka kung sila ay constituents ng Barangay 659-A.

Sila ang ‘constituents’ ng Barangay 659-A na ‘now you see, now you don’t.’

Ewan natin kung iimbestigahan pa ‘yan ni MMDA chair Danny Lim.

Hindi ba’t sinabi noon ni MMDA chairman na sasampahan ng kaso ang mga barangay official na sangkot sa operasyon ng mga illegal terminal?

Mayroon na bang nasampahan ng kaso?!

Pakibalitaan po ninyo kami, Chairman Danny Lim!

WALONG TAON NA
ANG MAGUINDANAO
MASSACRE

SA araw na ito, walong taon na ang nakali­lipas nang maganap ang madugong Maguindanao massacre.

Umabot sa 52 katao ang pinaslang na ki­nabibilangan ng 32 mamamahayag.

Hanggang ngayon, hindi pa tapos ang kaso. Hindi nakapagtataka dahil sa 100 mahigit na akusado, ilan pa lamang ang naisasalang sa pag­lilitis.

Marami na rin ang mga nangamatay sa mga akusado.

Sa araw na ito, hinihiling ng inyong lingkod sa ating mga katoto na ipagdasal natin sila at hilingin na sana’y makamit na nila ang kataru­ngan.

Huwag na sanang maulit  ang mga eksenang pasigaw-sigaw at pataas-taas ng kamay at kamao pero hindi natin alam kung talagang nakatulong sa pamilya ng mga biktima.

Sa ika-walong death anniversary ng mga biktima ng Maguindanao massacre, magsama-sama tayong hilingin na sana’y makamit na nila ang katarungan.

Kapag nangyari iyon, doon lang natin masa­sabi na, they really rest in peace.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *