Sunday , December 22 2024

Medical scholarship bill aprub sa Kamara

INAPRUBAHAN ng Mababang Kapulungan ng Kongreso nitong Lunes sa pangatlo at pinal na pagbasa ang panukalang naglalayong lumikha ng medical scholarship program para matugunan ang kakulangan sa mga doktor sa bansa.

Sa botong 223 yes, walang no, zero abstentions, inaprubahan ng Kamara ang House Bill 6571 o ang panukalang Medical Scholarship and Return Service Program Act.

Ang panukala ay nagtatakda ng paglikha ng medical scholarship and return service program para sa karapat-dapat na mga estudyanteng naka-enrol sa state universities and colleges (SUCs) o sa  private higher education institutions (PHEi) sa rehiyon na walang SUC na nag-aalok ng kursong medisina.

Isang scholar mula sa bawat munisipalidad ang tatanggapin sa nasabing programa, ngunit ito ay depende sa bilang ng government doctors na kailangan ng bawat lalawigan o munisipalidad, na dedeterminahin ng Department of Health (DoH).

Ang mga scholar ng nasabing programa ay pagkakalooban ng sumusunod na financial assistance: free tuition and other school fees; allowance for prescribed books, supplies and equipment; clothing or uniform allowance; allowance for dormitory or boarding house accommodation; transportation allowance; internship fees, including financial assistance du-ring post-graduate internship; medical board review fees; annual me-dical insurance; other education-related miscellaneous or living allowances.

Ang scholarship grantees ay dapat sundin ang ilang mga kon-disyon, kabilang ang pagtupad sa return service sa loob ng 10 taon makaraan makompleto ang intership, para sa mga nag-avail ng four-year program, at 12 taon sa mga nag-avail ng five-year program, makaraan pumasa sa licensure examination for physicians, na bahagi ng mandatory return service and integration sa public health and medical service system.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *