Saturday , December 21 2024

Bayaning pulis

MAY mga pulis man na dapat kainisan dahil sa pang-aabuso sa kapangyarihan at paggawa ng katiwalian ay may mga kabaro rin sila na tunay na maipagmamalaki ng sambayanan.

Patunay na rito ang kabayanihan na ipinakita nina PO3 Cyril Gobis ng Sta. Cruz Municipal Police Station ng Laguna Police Provincial Office at PO2 Joselito Lantano ng Police Security and Protection Group ng Philippine National Police National Headquarters kaya sila naitaas ng ranggo.

Si Gobis ay na-promote dahil sa matagumpay niyang pagkakapigil sa pagtakas ng mga armadong magnanakaw na nanloob sa Philippine National Bank (PNB) sa Sta. Cruz, Laguna noong 27 Enero 2016.

Nagpapatrolya noon si Gobis nang may nagsumbong sa kanya na may nagaganap na bank robbery. Pagkasugod sa lugar ay agad pinara ni Gobis ang tricycle na sinasakyan ng mga magnanakaw at sila ay hinuli. Dalawa sa mga suspek ang nagpaputok ng baril kaya gumanti ang pulis at napaslang ang mga nanlaban.

Dalawang magnanakaw ang kanyang naa­resto, tatlong baril ang nakompiska, mga bala at cash na nagkakahalaga ng P54,535.

Si Lantano naman ay nagpakita ng kagitingan laban sa tatlong holdaper ng bus na kanyang sinakyan habang pauwi sa Bulacan noong 4 Abril 2017.

Nang magdeklara ng holdap ang isang kawatan at magpaputok ng warning shot ay agad tumayo si Lantano at nagpakilalang pulis. Mabuti na lang at nagmintis ang holdaper nang barilin si Lantano, na napilitang gumanti ng putok.

Nang mapadaan sila sa Quezon Avenue ay nakita ni Lantano ang isang mobile car at sinenyasan ito sa nagaganap na pagnanakaw.

Bukod sa pagkasawi ng isang suspek ay nahuli ni Lantano ang dalawang kasama nito, nakompiska ang dalawang baril na may bala at isang balisong.

Batay sa patakaran, ang sino mang miyembro ng PNP na nagpakita ng katapangan at kagi­tingan kahit malagay sa panganib ang kanyang buhay at kahit hindi na siya naka-duty ay mapo-promote sa susunod na ranggo kung ang kanyang nagawa ay kikilalanin ng National Police Commission.

Kapuri-puri sina Gobis at Lantano. Naniniwala ang Firing Line na marami pang pulis na nananahimik lang pero mapatutunayang magiting at may mabuting kalooban kapag hiningi ng pagkakataon.

Ang masakit nga lang ay mas nababalita ang mga kalokohan na ginagawa ng mga pulis na tiwali at hindi marunong kumilala ng batas na da­pat sana nilang ipinatutupad.

May pumupuna na mas pinagtutuunan ng pansin ng media at ibinabalita ang mga pulis na gumagawa ng mali. Hindi nila naisip na kung hindi sila gumawa ng kalokohan ay hindi sila magiging laman ng balita.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *