Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

Media killing lulubha kay Usec. Egco

SA takbo ng pamamalakad nitong si Usec. Joel Egco bilang executive director ng Presidential Task Force on Media Security, asahan nating magbibilang lang ng mapapatay pang mga journalists sa Filipinas.

Maituturing na gamol ang ginagawang trabaho nitong si Egco sa kanyang Task Force.  Sa halip kasing tanggapin ang ilang suhestiyon para makaiwas sa kapahamakan ang mga mamamahayag na sumasabak sa delikadong assignment, kayabangan at pagiging arogante ang isinasa-got nito.

At sa kabila ng mandato ng TF on Media Security na bigyan ng proteksiyon ang buhay, kalayaan, at seguridad ng mga mamamahayag, limang journalist na ang napapatay simula nang itatag ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang Task Force ni Egco.

Sa pahayag ng Committee to Protect Journalist o CPJ, tayo ngayon ay nasa ika-limang puwesto  sa Global Impunity Index dahil na rin tinatawag na unresolved media killings sa Filipinas.

Mismong ang CPJ, nitong nakaraang November 2, sa paggunita ng “International Day to End Impunity for Crimes against Journalist” ay tinukoy ang Task Force ni Egco na walang conviction na nagagawa sa mga taong pinaghihinalaang pumatay sa mga journalist.

Ang linaw, talagang inutil at walang silbi ang Task Force ni Egco. Sa halip kasing tularan ni Egco ang ginagawa ng NUJP na pagbibigay ng mga workshop, training at seminar para maka-tulong sa seguridad ng mga mamamahayag puro porma ang inaatupag ng kumag.

Kaya nga, kinakailangan magkaroon sa hanay ng media ng isang malawakang campaign para hingin kay Digong na sibakin na sa puwesto si Egco dahil sa paggiging incompetent at ba-lahura sa kanyang trabaho.

At gusto nating linawin, si Egco ay hindi na isang journalist, siya ngayon ay isa nang empleyado ng gobyerno na pinasasahod ng taongbayan! Calling the attention of Commission on Audit (COA), pakibantayan ang ginagawang paggastos ni Egco sa kanyang tanggapan bilang executive director ng Task Force.

Hindi na rin dapat pang Ingles nang Ingles si Egco dahil putol-putol naman at hindi kayang tapusin ang kanyang sinasabi. Nakahihiya dahil halatang pilit na pilit ang kanyang Ingles at nagmumukhang engot tuloy kapag siya ay nagsasa-lita. Baka naman may ‘birth pains’ pa? Hahaha… kamote!

At hindi na dapat sinasabi ni Egco na mahabang taon siyang naging journalist dahil alam ng mga batikang reporter sa mga beat na nangongopya lang siya ng istorya.  At kung tunay ngang naging presidente si Egco ng Defense Press Corps, nakababahala ito, dahil baka bumangon sa kanyang libingan si Tata Joe Cap at magprotesta.

Sa pagtatapos, narito ang isang awitin para lang kay Egco… ”Kahit hindi guwapo/ kahit na isang bobo/ ang tipo kong lalake medyo kalbo/ ang tipo kong lalake medyo bansot.

 Hindi kinakilangang masunurin sa pangulo/ basta’t siya’y bukolero at di mapagkakatiwalaan. Kahit hindi guwapo/ kahit na isang bobo/ ang tipo kong lalake medyo kalbo/ ang tipo kong lalake medyo bansot.


SIPAT
ni Mat Vicnecio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *