Sunday , January 12 2025

Popularidad ng 3 lola, magdadala sa Trip Ubusan

ACTION-comedy, ang description ng JOWAPAOJose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros sa kanilang pelikulang Trip Ubusan, Lolas vs. Zombies. Walang duda namang magpapatawa iyang tatlong bida ng pelikula, pero may mga eksenang action dahil makikipaglaban nga sila sa mga zombie eh.

Wala ring duda na iyan ay isang spoof ng isang hit Korean movie. Hindi naman natin maikakaila iyon sa title pa lamang at sa kanilang mga kalaban. Iyon nga lang, sa halip na isang tren ay isang bus ang ginamit nilang setting. Siyempre kailangan din naman silang mag-adjust sa Philippine setting.

Pero sinasabi nga ng iba, rito sa Pilipinas, lahat yata ng klase ng maligno ay mayroon, Mayroon tayong aswang, kapre, tikbalang, tiktik, manananggal, tiyanak at kung ano-ano pa, pero mukhang wala ngang zombie sa ating mga kuwento. Pero puwede bang wala? Kung iyong iba ngang maligno nagkaroon sa atin eh, bakit nga ba hindi ang mga zombie.

Pero sa totoo lang, hindi iyang kuwento eh. Hindi rin iyang setting talaga. Ang magdadala sa pelikulang iyan ay ang popularidad ng tatlong lola. Bagamat kung titingnan noong una ay support lamang sila sa AlDub, hindi naman maikakaila na kung wala ang mga lola, baka hindi kinagat iyang AlDub. Magagalit na naman ang fans nila, pero tingnan ninyo, noong gumawa ng isang teleserye ang AlDub na wala ang mga lola, dahil ang ginawa nga nila ay isang totohanang love story, nag-rate ba?

Pero iyong love story nila sa kalye serye na hanggang ngayon ay ginugulo ng mga lola, kinakagat pa rin ng publiko.

Palagay namin, iyang ganyang mga spoof na may panahong siyang ginagawa ng kanilang mga mentor, ang TVJ, ang siyang kailangan natin ngayon, dahil ang mga pelikulang ganyan ang gusto ng Pinoy. Iyan ang kumikita. Iyan ang magbabangon ng industriya. Kalimutan na muna ninyo iyang mga indie na binibigyan ng awards ng sila-sila rin naman, pero kamote ang inaani sa takilya.

Kailangan natin ngayon ang mga pelikulang kikita, para makabangon ang industriya ng pelikula.


LIPAD, DARNA, LIPAD
MOVIE NI ATE VI, HINAHANAP

NOONG isang araw, napanood namin ang dalawang restored movies ni Ate Vi (Cong. Vilma Santos), iyong Tag-Ulan sa Tag-araw at saka iyong Langis at Tubig. Very 70’s ang dalawang pelikula. Iyang ganyang mga kuwento ang gustong-gustong mapanood ng mga tao noon, na ang pangunahing libangan talaga ay manood ng sine. Iyon bang napanood na nila nang ilabas sa sineha, hanggang sa double program inuulit pa.

Pero ang gusto naming mapanood ngayon ay iyong original na Lipad, Darna, Lipad na ginawa ni Ate Vi. Wala ng kopya iyan eh. Nasara na ang producer niyan, iyong Cine Pilipino. Yumao na rin ang dalawang talagang naging responsable sa production, sina Douglas Quijano at Joey Gosiengfiao.

May nagsasabi noon na may nakita pang kopya sa isang private collector sa Malaysia. Alam ninyo kasi noong araw iyang mga pelikula natin, ini-smuggle eh. Nadadala sa Malaysia. Ewan kung may magagawa nga sila para malaman kung may kopya nga, at kung ipagbibili ulit sa atin, o magpapakopya ang may hawak ng original na pelikula para muling mapanood ng mga Pinoy.

Iyong pelikulang iyon ang talagang marami ang naghahanap maski na sa mga Vilmanian. May kakilala rin kaming collector na ang pelikulang iyon din ang talagang hinahanap. Sana may makapagsabi nga kung totoong may kopya pa niyon, at kung ano ang magagawa para naman magkaroon tayo ng kopya.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Keempee de Leon Joey de Leon

Keempee at Joey nagkaiyakan, nagkapatawaran 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGAL nang hindi nag-uusap sina Keempee de Leon at ama Joey …

Kathryn Bernardo Mommy Min

Kathryn madamdamin mensahe sa ina

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL ang mensahe ni Kathryn Bernardo sa pagseselebra ng kaarawan ng kanyang …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan …

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *