AMINADO ang Kapuso star na si Ken Chan na marami ang nagsasabi sa kanya na malaki ang similarities nila ng yumaong actor na si Rico Yan.
“Ay opo, maraming nagsabi sa akin. In fact idol ko po siya, ginagaya ko nga po siya. Sobrang sarap sa pakiramdam talaga na maraming nagsasabi sa akin niyan,” sambit ni Ken.
Idolo nga niya si Rico bata pa lang siya.
“Opo, lahat ng pelikula niya pinanood ko at alam ko ang pelikula nila ni Claudine Barretto, tulad ng ‘Dahil Mahal na Mahal Kita’, ‘yung movie nila ni Judy Ann Santos.
“Kung mabibigyan lang sana ako ng pagkakataon, masarap sanang i-remake ang movie ni Rico kasi idol ko po siya, ang gaganda ng mga pelikula niya, kahit isa lang, sobrang blessed na talaga, sana mabigyan nga ako ng chance.”
“Sobrang wholesome po kasi ni Rico, kahit tipong hindi siya maghubad, napaka-charming pa rin niya.”
Happy si Ken sa resulta sa takilya ng This Time I’ll Be Sweeter na pinagbibidahan nila ni Barbie Forteza na kasama nila sa cast sina Thea Tolentino, Kim Rodriguez, Akihiro Blanco, Hiro Peralta, Rey ‘PJ’ Abellana, Fiona Yang, Rosalind Wee, Khaki Ramirez, Neil Ryan Sese, Jai Agpangan, Yayo Aguila, at Ara Mina mula sa direksiyon ni Joel Lamangan.
MR. GRAND INTERNATIONAL
MICHAEL ANGELO SKYLLAS,
NEW PLACENTA
BRAND AMBASSADOR
IPINAKILALA last November 10 via mini-presscon ng Psalmstre Enterprises, Inc., maker of New Placenta, Olive C at New Placenta for Men sa pangunguna ng CEO/President nitong si Jaime Acosta ang 2017 Mr. Grand International mula Australia na si Michael Angelo Skyllas bilang newest brand ambassador ng New Placenta for Men.
Maaalalang si Angelo ang kauna-unahang Mr. Grand International at ang pinakabata among the candidates na 19 years old lang ng manalo kamakailan. Ito rin ang nag-uwi ng corporate award na Mr. Psalmstre bukod sa cash prize at New Placenta for Men products ay napili rin ni Sir Jaime na maging brand ambassador.
Isang malaking karangalan para kay Angelo ang maging part ng Psalmstre Family at maging Ambassador. At bilang Ambassador nito ay ipapa-try niya ito sa kanyang mga kamag-anak at kaibigan sa Australia.
Ayon naman kay Acosta, “Very positive and warm ang pagtanggap ng mga Filipino kay Angelo. I am very happy that he’s finally part of our family. We are looking forward to staging my trade shows and events so Angelo can reach a wider market or out product both here and abroad.”
Sa ngayon ay busy si Angelo sa campaign na Free Hugsna magbibigay ng pagkakataon sa mga tagahanga nito na makita siya ng personal, makapagpalitrato, makapag-pa-autograph, at ma-hug na lilibutin ang iba’t ibang Mercury Drug sa buong Pilipinas.
MATABIL
John Fontanilla