Friday , November 15 2024

Walang puknat ang ilegal na sugal

SA wakas ay umaksiyon ang National Capital Region Police Office (NCRPO) at hinuli ang saklaan sa Malibay, Pasay City na pinatatakbo ni Rom Bakla noong nakaraang Miyerkoles.

Gayonman, sa Pasay ay patok na patok ang ilegal na sugal sa Pilapil Street, Humildad Street, Maricaban area, Malibay area, Santo Niño area, Pasay Boulevard, Muñoz Street, Estrella Street at Maginhawa Street.
Bukod sa hawak na color games ay nagsisilbi rin umanong kolektor si PO3 Angelito Bebet Aguas ng ilang opisyal ng Southern Police District (SPD), Eastern Police District (EPD) at Parañaque Police. Itong si Aguas ay nag-apply raw ng lateral entry para maging opisyal.

Hindi lang ilegal na sugal sa Pasay ang hawak ni Caloy Colanding dahil may saklaan siya sa Ilaya, Divisoria sa Maynila at pati sa Olongapo City.

Patok na patok rin sa Pasay ang color game na P1,000 ang napupunta sa kapitan ng barangay at P500 sa PCP lalo na kapag may patay sa lugar.

Ito ay sa Macopa, Don Carlos, Santo Niño, Pilapil, Mulawin, Maginhawa , Estrella, Dapitan, Humildad, Malibay, Maricaban, Tramo at sa likod ng eskwela ng Pasay West. May saklang tago naman sa Tolentino St.

Palabas lang daw na galit si Pasay City Mayor Tony Calixto sa ilegal na sugal pero ang totoo ay may basbas ito mula sa kanya at kay Pasay Police chief Senior Superintendent Diony Bartolome.

Bukod kay Brian Colanding na kapatid ni Caloy ay isang alyas “Spike” umano ang isa sa mga bida ngayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil isa siya sa namamahala ng koleksiyon.

Namamayagpag din ang ilegal na bookies ng karera sa Pasay na pinatatakbo ng isang “Christian” na kamag-anak daw ng isang konsehal sa Pasay. Kasama niya sa ilegal na aktibidad ang isang “Dennis.”

May lotteng, EZ2 at “ending” din si Christian at enkargado niya si Roger diyan sa motorpool sa harap ng Pasay City Cockpit sa Clementina St. Si Ruben ang may hawak sa Salud St., sa F.B. Harrison St. Sa likod ng motorpool makikita si Aling Che na nag-o-operate rin para kay Christian.

Tinatawagan natin ng pansin sina CIDG director Chief Superintendent Roel Obusan, Parañaque chief Senior Superintendent Leon Rosete, SPD head Chief Superintendent Tomas Apolinario Jr., EPD chief Senior Superintendent Romulo Sapitula, Manila Police District (MPD) head Chief Superintendent Joel Coronel, Olongapo City police chief Senior Superintendent Melchor Cabalza III at lalo na si PNP Director General Ronald dela Rosa.

Kahit anong ganda ng batas ay magsisilbi lang itong palamuti kung hindi naipatutupad.

* * *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *