NAGNININGNING sa dilaw na bestidang sutla, pinapaypayan ang sarili ni Carolina Salinas habang naglalagablab ang saliw ng tugtugin ng bandang tinutugtog ang danzon—ang pambansang sayaw ng bansang Cuba.
Subalit hindi ito night club sa Havana. Ang totoo, naglaho na nang tuluyan ang dazon sa isla ng Cuba. Pero ngayon ay pinanatiling buhay ito—salamat sa maalab na grupo ng mga Mexican fan tulad ni Salinas.
Isinilang sa Cuba noong ika-19 na siglo ang danzon, isang uri ng musika na pinagsanib ang estilo ng musika at sayaw ng mga impluwensyang Europeano at Aprikano. Madalas na itinatakda ang kaarawan nito sa petsang Enero 1, 1979—ang mismong araw ng konsyerto ng Bagong Taon na kung saan tinugtog ng Cuban composer na si Miguel Failde ang bagong awiting Las Alturas de Simpson, na saliw ng tradisyonal na French contredanse na may halong Latin beats.
Kinakarakter ng sayaw na lumaganap sa bagong genre ang upright posture, swaying steps at paulit-ulit na refrain habang nagsisipagsayaw ang mga magkapareha.
Sa Mexican port ng Veracruz, sa kabila lang ng Cuba sa Gulf of Mexico, nagsasayaw ng dazon ang ilan sa central square suot ang mga fedora at evening gown na nagpapagunita ng lumipas na yugto ng kasaysayan.
“In danzon, they teach you that image and posture are important for both the lady and the gentleman. Elegance, that’s danzon,” anii Salinas, isang 26-anyos na guro, habang nagpapahinga sa ‘rest period’ ng refrain ng musika at sayaw.
Tunay na binuhay ng mga Mehikano ang dating popular na sayaw na naglaho na sa Cuba.
“If Mexico hadn’t adopted danzon as an important part of its popular culture, it would have disappeared,” punto ni Miguel Zamudio, direktor ng National Center for Research and Promotion of Danzon na nakabased sa Veracruz.
ni Tracy Cabrera