Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paolo, ‘di pa nagsi-sink-in na nagbibida na siya sa pelikula

HINDI makapaniwala ang Eat Bulaga host, Paolo Ballesteros sa rami ng suwerteng dumarating sa kanya after na tumabo sa takilya at nagbigay sa kanya ng Best Actor award ang kauna-unahang pelikulang pinagbidahan, ang Die Beautiful.

At ngayon ay muli itong magbibida sa Barbi D’ Wonder Beki na ang original na gumanap ng Barbi noon ay ang mahusay na host/comedian, Joey De Leon. At sa kanyang bagong pelikula ay suportado ito ng mga maituturing na icons bukod kay Joey pagdating sa komedya, ito ay sina Joey Marquez, Smokey Manaloto, Benjie Paras, at Epy Quizon .

Tsika nga nito, “Parang hindi totoo! Yes, nagkaroon ako ng project last year, ang ‘Die Beautiful’. Kanina nga, pagpunta ako rito, nagda-drive ako sa EDSA, mag-isa lang kasi ako. Hindi ako nagda-driver.

“Parang naiisip ko, rati ilang years na ako sa ‘Eat Bulaga’. Sa showbiz. dati binibiyahe ko lang ‘yon papuntang Cubao, Makati, VTR ng commercials. Tapos ngayon, pupunta ako ng presscon ng movie ko.

“Parang hindi pa umaano sa isip ko ‘yung last year. Tapos ngayon, heto. Well, kasama ko araw-araw sa ‘Bulaga’ si Joey. Hindi pa rin mag-sink in sa akin.

“Hanggang nga¬yon. Kasi nagkasama kami sa ‘Enteng Kabisote’, tatlo kami nina Jose, Wally. Mas takot ako ngayon, pressure. Kasi siya ang original,” pagtatapos ni Paolo.

PAPA OBET, KAPUSO
RECORDING ARTIST NA

ISA ng certified Kapuso singer ang mahusay na Barangay 97.1 DJ na si Papa Obet, host ng Talk To Papa na pumirma last November 8 ng distribution deal sa GMA Records para sa Christmas single nitong Una Kong Pasko na siya mismo ang sumulat.

Present sa contract signing sina GMA Records A&R Manager Kedy Sanchez at GMA Records Managing Director Rene Salta
.
Hindi maitago ni Papa Obet ang labis na kasiyahan dahil dream come true para sa kanya ang maging recording singer na pangarap noon pa mang bata pa siya.
Inspirasyon ng mahusay na DJ ang mga OFW nang isulat niya ang Una Kong Pasko.

MATABIL
John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …