Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hashtags Franco, nalunod, patay

“IT comes in three’s,” sabi nga sa amin ng isang movie writer na napakahilig magbilang ng mga namamatay sa showbusiness. In fact tatak na niya iyon, alam niya lahat ng mga nauna na.

Hindi pa nga naililibing si Isabel, nasundan na naman ng isa. Nalunod naman sa Davao ang isa sa mga member niyong Hashtags, si Franco FernandezLumanlan. Nagbakasyon lang sila sa isang resort, at nang pauwi na ay sinalubong ng isang malakas na alon ang bangkang kanilang sinasakyan. Nahulog sa bangka si Franco at ang kanyang girlfriend. Mabilis naman silang nasagip pero nang iahon si Franco ay wala na siyang malay. Naisugod pa siya sa isang clinic sa Malita, pero wala na nga siyang buhay nang dumating doon. Nakalulungkot ang pangyayaring iyan, lalo na’t 26 na taong gulang lamang siya, walang sakit, at marami pang pangarap sa buhay na nais matupad. Pero ganyan talaga ang buhay. Hindi mo alam kung kailan magwawakas.

“BAKIT nga ba ganoon, ang daming mga walanghiya sa showbusiness, hindi pa sila ang mauna,” sabi ng isang kasamahan namin. Huwag naman ganoon, kahit na sabihing walanghiya sila.

AIZA, KINANTAHAN
SI ISABEL

HINDI kami nakarating sa huling lamay para kay Isabel Granada na gusto sana naming puntahan dahil sa napakatinding traffic sa buong Metro Manila yata noong gabing iyon dahil sa pagdating ng mga head of state na kasali sa Asean Summit. Gumagalaw lamang nang bahagya ang ibang mga sasakyan, pero ang EDSA, imposible talaga.

Pero nang dumating kami sa bahay ng gabing iyon, parang nagbalik sa amin ang trabaho ng “deskman” noong araw na tumatanggap ng istorya ng mga “reporter” sa rami ng tawag na aming natanggap na ang kuwento ay iisa, iyong huling lamay kay Isabel. Mukhang lahat yata ng kakilala namin ay galing sa lamay na iyon.

Marami nga sa mga kaibigan ni Isabel na nag-share ng lahat ng kanilang mga magagandang pinagsamahan noong nabubuhay pa ang aktres. Kumanta pa nga raw para kay Isabel ang kanyang kaibigang si Aiza Seguerra. Tapos para naman sa kanilang pamilya, ang nagbigay ng response ay ang kanyang partner si Arnel Cowley.

Bihira ang nakaaalam kung sino talaga si Arnel, dahil noong magpakasal naman (daw) sina Arnel at Isabel noong October 18, 2015, wala halos nakaaalam. Pero nakita natin sa social media account ni Isabel bago siya namatay na nag-celebrate na nga sila ng kanilang second anniversary. Isa palang Australian citizen si Arnel, 44 years old, at may dalawang anak din sa naunang asawa na kinilalang sina Sarah at Abbey. Negosyante siya at may sariling multi-level marketing firm, iyong Starnet na si Isabel din ang marketing director. In short partners pala sila hindi lang sa buhay kundi sa business din.

Sinasabing nagpakasal ang dalawa matapos na makipag-divorce si Isabel sa unang asawang si Jericho Aguas, kung kanino mayroon naman siyang isang anak, si Hubert. Iyon namang si Aguas ay may kasama na ring iba, hindi maliwanag kung nagpakasal nga rin sila, iyon naman ang dating Viva Hot Babes na si Jaycee Parker.

Tahimik lang si Arnel, siguro ay hindi naman siya sanay sa mga publisidad dahil siya ay isang private person.

HATAWAN
Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …