Tuesday , December 24 2024

Pulis Nuwebe sa Maynila ‘na-martilyo’?!

‘YAN ang puna ng karamihang negosyante sa Harrison Plaza dahil sa tila masyadong busy at cannot be reached ang himpilan ng Manila Police District Station 9 sa Malate kaya’t kaliwa’t kanan ang pamamayagpag ng mga ‘osdo’ at ‘kriminal’ sa naturang lugar!

Marami rin ang nagtataka kung paano nga ba nalusutan ng isang grupo ng holdaper na nanloob at tumangay sa mahahalagang kagamitan at alahas sa isang gold buyer store sa Harrison Plaza gayong katabi lang nito mismo ang Presinto Nuwebe?!

Wattafak!?

Ang masaklap pa e kahit katabi na nga ang Presinto Nuwebe ng Harrison Plaza ay may mga malapit pang PCP sa area gaya ng Arellano PCP at Roxas Blvd. PCP na matatagpuan sa kanto ng BSP bago tumawid sa CCP at isa pang PCP ng MPD PS9 sa kahabaan ng Quirino sa likod na bahagi ng Manila Zoo?!

Anyare!?

Bakit nalusutan o pinalusutan!?

Mukhang totoo ang usap-usapan ngayon ng delihensiya boys ng MPD na kaya raw nagkalat ang mga osdo sa AOR ni MPD PS9 chief Supt. Jun Obong ay madalas lang nagpapalamig at naghihintay ng parating ‘este dumarating na bisita sa kanyang opisina?

By the way Kernel Obong, totoo bang namomroblema ang mga tauhan mo kung paano huhukay at palalakihin pa ang dating P40K na ‘weekly’ pangkabuhayan para gawing P55-P60k?

Hilong talilong na nga raw sila, sir?!

Akala ko ba ayaw nina MPD DG Joel Coronel at CPNP DG Bato Dela Rosa ng mga natutulog sa pansitan at nganga sa trabaho!?

Galaw-galaw Supt. Eufronio Obong sir!

Ang daming masisipag na kernel ang naghihintay lang sa MPD HQ ng assignment!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *