‘YAN ang pahayag ng Department of Health (DoH). Lalo na raw sa mga paaralan, para pangalagaan ang kalusugan ng mga bata at estudyante.
Magtatakda sila ng DSA o designated smoking area alinsunod sa itinatakda ng Executive Order 26 — nationwide ban on smoking in all public places.
Isa tayo sa mga natutuwa sa pagpapatupad ng batas na ito. Pero sana, hindi lamang sa mga paaralan o iba pang public places higpitan ang pagtatakda ng DSAs. Ipatupad din sana ito sa malalaking casino hotel na karamihan ng smokers ay walang paki sa ibang clientele.
Kapuna-puna ito sa Solaire, Resorts World Manila, Okada at City of Dreams. Grabe ang usok ng sigarilyo na nalalanghap at nasisinghot maging ng non-smokers.
Subukan kayang umpisahan ng DOH ang smoking ban campaign sa mga lugar na ‘yan para maramdaman ang higpit ng kampanya ni Pangulong Digong.
Paging DOH OIC Usec. Herminigildo Valle!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap