ANG daming reklamo ang natanggap ko nitong mga nakaraang linggo na noong una ay hindi agad pinaniwalaan dahil baka isang paninira lang sa isang customs official.
Kaya tumawag ako sa mga asset ko sa Cebu, Davao, Cagayan de Oro, Subic, Port of Manila at MICP.
At matapos mabeperika ang mga impormasyon na ipinarating sa akin ay napatunayan ko na may katotohanan ang paratang sa isang bagong opisyal ng customs.
Isang alias ‘RED TIGER’ ang inirereklamo ngayon ng mga broker at importer na ang modus ay magpa-alert ng mga kargamento kahit ito ay multinational company na walang diperensiya.
Kahit walang record na masama ang broker ay sapol din sa pa-alert nito.
Ibig sabihin niyan ay malaking abala ito sa mga negosyante. Ito ang petmalu, kaya raw pala nag-a-alert si alias Red Tiger ay para lumipat ang mga importer sa kasosyo niyang broker!?
Hanep ka Sir!
Ang bukang-bibig, kapag inalerto ka ay siya raw ang bahala sa BOC-OCOM basta’t may maayos na usapan.
No problem, release agad!
Dahil ipinamamalita niya na Uncle daw niya si boss at walang puwedeng magpa-lift ng alert kung hindi tanging siya lang.
BOC Comm. Sid Lapeña Sir, mukhang itong si alias ‘Red Code’ ang makasisira sa iyong magandang imahen sa customs.
Napakalinis ninyo kaya sinasamantala ng isang tauhan ninyo ang kabaitan ninyo.
Kaya pala code name ay ‘Red Tiger’ dahil kasing bangis pala ng tigre ang kanyang talas?!
Alam ninyong mga broker ang ibig sabihin nito… dapat ay tumimbre kayo sa kanya!
Hahaha!!!
Mr. Red Tiger, hinay-hinay lang.
Ang dami nang bumagsak sa BOC na ganyan ang style!
***
Commissioner Lapeña, ‘wag po kayong basta maniwala sa mga bulong nang bulong diyan sa inyo.
Lalo na ang mga text brigade na mali ang impormasyon na ibinibigay sa inyo.
‘Yan ang mga tunay na masama ang record sa customs na bumubulong sa inyo. Super corrupt po mga ‘yan. Gusto ay maging collector sa Cebu, POM o sa MICP.
Noong araw pa ‘yan na kilalang malalim manira at pailalim. Meron pa riyan na galing sa military na mabait kuno pero sabungero at lahat ng nakadikit sa kanya ay tirador.
***
By the way, binabati natin si Customs Comm. Sid Lapeña dahil first time in customs history na nakakolekta nang bilyon sa loob lang ng isang buwan.
Congrats Sir Lapeña! Keep up the good work!
Check Also
Mga senador na nasa tama, nagkamali
FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …
“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!
AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …
Upakan sa Pasig umiinit
PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …
Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy
SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …
Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump
Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …