INIHAYAG ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez (may mikropono) kasama sina (mula kaliwa) PSC Head Planning Office-Gloria Quintos, PSC Deputy Executive Director-Rachel Dumuk, Commissioner-Arnold Agustin at Executive Director-Atty.
Sannah Frivaldo sa pulong balitaan sa PSC Conference room ang pagpapaliban ng nakatakda sanang Philippine National Games (PNG) sa Disyembre 10-18 at ito’y gaganapin na sa Abril 15-21, 2018 sa Cebu City.
Iniliban din ang Philippine Para Games na sa ganoong buwan din gaganapin.
Tinalakay rin ang pagsasaayos ng Rizal Memorial Sports Complex para sa gaganaping 2019 Southeast Asian Games at ang tulong pinansiyal ng PSC sa Top 10 performing LGU’s sa PNG.
(HENRY T. VARGAS)