MANTAKIN ninyo, si Jack Ma pa ang nakapuna na super bagal ang internet sa ating bansa?
Sa latest Q1-2017 o State of the Internet report mula Akamai, napabilang ang Filipinas bilang isa sa may pinakamabagal na average Internet connection speed sa Asia Pacific.
Ang Akamai po, ang pangunahing content delivery network (CDN) services provider para sa media bukod sa software delivery at cloud security solutions.
Mula sa global perspective, ang Filipinas ay nasa ika-100 antas o baytang sa listahan ng mga bansang may average speed na 5.0 Megabits bawat segundo (Mbps) sa unang yugto ng kasalukyang taon ng 2017 — sa kabila nang nakitang pagpapalawig at pag-angat ng internet na 54.5 porsiyento simula noong 2014 nang mag-average ang Filipinas ng 2.50 Mbps.
Siyempre nangunguna ang South Korea sa pamosong listahan na may average speed na 28.6 Mbps. Kasunod ang Hong Kong sa ikalawa na nagtala ng 21.9 Mbps.
Nakapagtataka ba na magkomento ang Chinese mega-billionaire na si Jack Ma para sabihing napakabagal ng pag-usad ng pag-unlad ng Internet sa Filipinas?!
Hindi po. Katunayan, isa kami sa biktima ng mabagal na internet sa Parañaque.
Kumuha na nga kami ng pinakamabilis daw, pero ganoon pa rin.
Sobrang bagal!
Wattafak!
Tahasang ipinamukha ni Jack Ma Aniya sa harap ng telecoms executives: “Your internet service is not good here.”
Paano nga natin makikita ang pag-unlad ng ating bansa kung sa internet lang ay napakakupad na?
Paging telecom companies!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap