Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Magbitiw ka Usec. Egco!

WALANG ibang dapat gawin itong si Usec. Joel Egco kundi magbitiw bilang executive director ng Presidential Task Force on Media Security matapos mapatay ang isa na namang mamamahayag  nitong nakaraang  Martes sa Bislig, Surigao del Sur.

Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, pang-limang biktima ng pamamamaslang ang broadcaster na si Christopher Ivan Lozada, matapos tambangan at pagbabarilin ng armadong kalalakihan lulan ng isang van sa Barangay Coleto.

Ang apat na mga mamamahayag na unang pinaslang ay sina Larry Que, Joaquin Briones, Rudy Alicaway at Leodoro Diaz. Hanggang ngayon, ang apat na pinatay ay wala pang nakakamit na hustisya matapos maitatag ang Task Force ng administrasyon ni Digong.

Tahasang masasabing inutil o walang silbi ang ipinagmamalaking Task Force ni Egco!  Bakit hinintay pang mapatay si Lozada sa kabila nang paghingi nito ng tulong sa Task Force na nanganganib na ang kanyang buhay?

Hindi maikakatuwiran ng Task Force na hindi tinanggap ni Lozada ang iniaalok nitong seguridad dahil kabaligtaran ito sa kanyang liham sa chief of police ng Bislig City na nakikiusap na bigyan siya ng seguridad.

Si Lozada ay nagsampa kaso laban kay Bislig Mayor Librado Navarro na nagresulta para ipag-utos ng Office of the Ombudsman ang dismissal nito dahil sa maanomalyang pagbili ng hydraulic excavator na nagkakahalaga ng P14,750,000.

At kung totoo mang tinanggihan ni Lozada ang alok ng Task Force, hindi madaling ‘maikakahon’ ang biktima kung may kasanayan kung paano ang gagawin sa panahong nahaharap siya sa panganib.

Ang tanong: mayroon bang isinagawang workshop, seminar o training man lang ang Task Force ni Egco sa hanay ng mga reporter para alam nila ang gagawing mga counter measure kapag may mga banta sa kanilang buhay?

Nakalulungkot dahil bilang isang dating working journalist nakalusot kay Egco ang pagkakapaslang kay Lozada.  Alam ni Egco ang panganib na sinusuong ng isang journalist kaya nararapat lang na tinugunan kaagad niya ang problema ni Lozada.

Sabi pa nga ni Egco sa kanyang media advisory noong first anniversary ng Task Force:  “This is fitting tribute to the first and probably the only Task Force in the world to aggressively advance press freedom by protecting the life, liberty and security of media workers and their families.”

Pero hindi malayong maulit muli ang pamamaslang sa hanay ng mga journalist kung ganito nang ganito ang pamamaraan ng trabaho ng Task Force. Hindi makatutulong sa mga mamamahayag sa kanilang pagharap sa panganib ang mga press release at propaganda ng tanggapan ni Egco kung hindi seryosong kikilos ang grupo.

At hindi sana nangyari ang malagim na sinapit ni Lozada kung ipinahiram lang ni Egco ang sangkaterbang security personnel na nakapalibot sa kanya kahit sa panahon na siya ay humihitit ng sigarilyo.

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *