Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim Chiu, game maging ghost bride kung hindi naging aktres

KAKAIBANG movie experience ngayong nalalapit na Undas ang pelikulang The Ghost Bride mula sa Star Cinema na sinasabing ang pinakanakakikilabot na horror-mystery movie ngayon.

Sa direksiyon ng master filmmaker na si Chito S. Roño at sa panulat nina Charlson Ong at Cathy Camarillo, ini-explore ng The Ghost Bride ang isang kakaibang klaseng wedding practice na nagmula sa makalumang tradisyon ng mga Tsino.

Umiikot ang pelikula kay Mayen (Kim Chiu), isang Filipina-Chinese na isusugal ang kanyang buhay sa isang sikretong tradisyon ng kulturang Tsino, sa payo ng isang misteryosang matchmaker na si Madame Angie Lao, upang matulungan niya ang kanyang pamilya. Papasukin ni Mayen ang isang kakaiba at hindi pamilyar na mundo na kailangan niyang pakasalan ang isang taong patay na upang mabuhay ang ibang tao.

Sa pelikula, galing sa mahirap na pamilya si Kim na napilitang maging ghost bride para makatulong sa kanyang amang may sakit. Ipinahayag ni Kim na pamilyar siya sa Chinese tradition hinggil sa ghost bride. “Chinese Tradition ito, actually ‘yung cousin ng lola ko, isa siyang ghost bride, so alam ko nang buong-buo iyong kuwento ng pagiging ghost bride na ikinasal sa patay ‘yung isang… pero kapalit niyon, mayaman ka na.

“Ako, I’m very proud to represent the Chinese tradition, the Chinese family, kasi, isa iyon sa Chinese tradition na hindi alam ng karamihan. Na ginagawa iyon sa isang family, na ipinapakasal ang isang babae roon sa patay na lalaki, para magkapera sila. Pero, it’s about sacrifice, what can you sacrifice for your family.”

Kaya ba niyang gawin iyon, ang magpakasal sa isang patay kung naiba ang circumstances ng buhay niya? “Kung kailangan, kung ang tatay mo ba naman ay 50-50 na, hindi ka ba naman magpapakasal sa isang patay? So, parang ganoon, nasa trailer naman siya,” nakangiting saad ni Kim.

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …