BUTI na lang at hindi napahamak ang halos 200 pasahero ng nag-overshoot sa runway na Cebu Pacific airbus na lumapag sa Iloilo International Airport.
Kung nagkataon ay panibagong dagok na naman ito sa Duterte Administration.
Sa kabila ng lahat, nakapagtataka at tila hindi lumutang ang pangalan ng Iloilo Airport Civil Aviations Airport Manager EFREN NAGRAMA who also happens to be the CAAP manager sa Kalibo International Airport (KIA).
Wow ha!
Dual citizen ‘este dual functions pala siya.
Speaking of Kalibo Airport, balita natin, napakasuwerte nito dahil ‘yan ang airport na may pinakamalaking singil sa terminal fee sa lahat ng airport sa bansa!
Huh?!
Suwerte o sinusuwerte?!
Mantakin ninyo kung ang NAIA 1, 2 and 3 ay umaabot ang singil sa P500 per passenger sa international flights, ang KIA ay naniningil ng P700 per passenger!
Juice colored!
E ‘di napakaganda sigurado ng serbisyo at facilities sa KIA??
‘Yun na nga ang siste!
Akala natin, dahil malaki ang koleksiyon nito ay maayos at maganda ang buong KIA!
No, no, no!
Kung dadaan po kayo sa KIA, ang una ninyong iingatan ang madapa kayo dahil sa mga tagpi-tagping flooring ng airport na kung hindi ka maingat ay siguradong dapa at hambalos sa mukha ang aabutin ninyo!
Not only that!
Dapat ay magbaon kayo ng maraming panyo at tisyu paper na pampunas ng pawis dahil sa kanilang napakainit na ‘airconditioning system’ na nakadagdag sa init ng isla ng Panay!
Sonabagan!
Kaya pala Panay island ang pangalan. Panay ang punas!
Aruykupo!
Don’t forget also to bring face mask dahil baka ma-suffocate ka sa amoy ng masansang na mga comfort ‘wow baho’ rooms na tila kulang sa air freshener na pamatay-amoy sa mabahong paligid!
Grabe naman ito!
Marami pa sana ang dapat banggitin ko pero next time na lang at baka abutin tayo nang siyam-siyam sa pagkukuwento!
I don’t know kung lahat ito ay nakararating sa kaalaman ni CAAP Director General Jim Sydiongco!
Imagine P700 per passenger tapos ganyan ang serbisyo at facilities nila?!
Kung may 3,000 passengers ang KIA daily sa domestic and international, sa P700 per pax malinis na P2.1 milyon ang daily collections nila!
Anyare?!
Ok lang naman…
At least puwedeng maging candidate ang Kalibo Airport to be the one of the “Worst Airports” in the world!!!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com